^

PSN Opinyon

Lambatin ang mga 'big fish' sa jueteng

- Al G. Pedroche -
OBSERBASYON ni Caloocan Rep. Enrico Echeverri na tila may political color ang pagsibak ni Local Government Secretary Jose Lina sa mga kilalang Heneral ng Philippine National Police na bigo sa kampanya ng pamahalaan laban sa jueteng.

At tama si Echeverri na dapat ding pagdiskitahan ni Lina, hindi lamang ang mga opisyal ng pulisya kundi ang mga matatawag na "malalaking isda" sa likod ng illegal gambling.

Hindi lang pulisya ang dapat sisihin sa paglipana ng ilegal na sugal na bahagi na ng kulturang Pilipino sa nakalipas na maraming daantaon. Filipinos need to be reoriented para mabura sa kanilang sistema ang pagsusugal.

Magagawa lamang ito kung may political will ang mga namumuno ng pamahalaan, mula sa Presidente, mambabatas, hudikatura, lokal na opisyal, pulisya at hanggang sa lebel ng barangay, para sugpuin ang jueteng na tinatangkilik ng nakararaming mamamayan.

Kaya nga lang, tila mahirap gawin ang estriktong pagbabawal na ito. Palibhasa, may mga opisyal ng pamahalaan na nakikinabang sa milyun-milyong pisong kinikita mula sa ilegal na sugal na ito.

Tama ang hamon ni Echeverri kay Lina. Tugisin at pag-usigin ang mga malalaking isda sa likod ng ilegal na aktibidad na ito.

Kapag sinabi nating malalaking isda, kasama riyan ang mga pulitikong umuukupa ng matataas na puwesto sa pamahalaan na siyang pangunahing nakikinabang sa perang mula sa jueteng.

Masaklap isipin na sa ngayon, hindi lang jueteng ang ilegal na gawaing pinagkukunan ng pondo ng ilang tiwaling politiko kundi pati na ang droga.

Gambling and drug lords have extended great favors to certain politicians lalo na sa panahon ng eleksyon. Kaya kapag ang mga pulitikong ito’y naipuwesto na, namamayagpag sa bansa ang mga ilegal na gawaing ito. Kung may nakikita man tayong "pag-usig" sa mga pasimuno ng sugal at droga, tila ito’y "pakitang tao" lang.

Ayaw nating dumating ang panahon na ang bansa nati’y ganap nang kontrolado ng mga criminal lords.

Kaya hangga’t maaga pa, napapanahong lambatin ang mga pinakamalaking isda sa likod ng operasyon ng ilegal na sugal pati na ang droga na siyang ugat ng kasamaang nangyayari ngayon sa ating lipunan.

Kung mangyayari ito, baka marami ang magulat dahil ang mga opisyal na hindi natin inaakalang sangkot sa ganitong karumal-dumal na katiwalian ay maaalisan ng maskara.

But it will take a man of unwavering faith and determination curb all evils in our society.

Being a God-fearing man, I know Sec. Lina is capable of doing this.

AYAW

CALOOCAN REP

ECHEVERRI

ENRICO ECHEVERRI

HENERAL

KAYA

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY JOSE LINA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with