^

PSN Opinyon

Na-promote miski malala ang kaso

SAPOL - Jarius Bondoc -
KABALIGTARAN naman ito nu’ng nangyari sa mga kawawang pulis na sinulat ko nu’ng Martes, na sumunod lang sa utos ay nasuspindi pa. Ito ay tungkol sa isang PNP officer na nirokomenda ng summary dismissal at kasuhan sa Korte, pero na-promote pa.

Isa si Supt. Teofilo Andrada sa mga in-expose ni Mary "Rosebud" Ong sa Senado na sangkot sa drug trafficking at kidnapping for ransom ng mga kamag-anak ng Intsik na drug lord. Ayon sa imbestigasyon ng PNP Internal Affairs Service, hinuli ni Andrada nu’ng Marso 26, 1999 ang apat na Chinese nationals na sina Zeng Jia Xuan, asawa nitong si Hong Zhen Qiao, 13-anyos na kapatid na Zeng Kang Fang, at kaibigang Wong Kam Chong, at ang Chinoy driver na James C. Ong sa Parañaque. Nasa PNP Narcotics Group noon si Andrada. May Oplan Athena at Oplan Cyclops sila nina Chief Supt. Reynaldo Acop, Supt. Francisco Villaroman at John Campos, at mga agents nila.

Si Wong lang ang talagang pakay nila dahil kilalang distributor ng shabu. Imbis na ipiit ang apat sa NarcGroup-HQ sa Camp Crame, tinago sila sa safehouse –bahay ni Rosebud na agent noon ng Hong Kong police at ka-live-in ni Campos. Pinatotohanan ni Remus Garganera, sidekick ni Campos, na pinalaya ang apat, puwera si Wong, matapos magbayad ng P2 milyon sa P10 milyong hininging ransom. Umuwi agad sa Xiamen ang batang si Zeng Kang Fang. Nawala na lang ang tatlo pa; malamang pinatay na. Si Wong, ayon kay Garganera, binalot ng packing tape mula ulo hanggang paa, minartilyo, saka tinapon ang bangkay sa Cavite.

Nirekomenda ng IAS na sibakin ang mga opisyal. Sa hiwalay na pagsusuri ng Criminal Investigation and Detection Group, nirekomenda na kasuhan sila ng Ombudsman at DOJ.

Naka-floating ngayon ang mga opisyal –maliban kay Andrada. Iba siya. Spokesman na siya ng NarcGroup.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

ANDRADA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FRANCISCO VILLAROMAN

HONG KONG

HONG ZHEN QIAO

SI WONG

ZENG KANG FANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with