Sa paglilitis, hindi na pinirisinta ng abogado ang sulat demanda. Si Graciano na lang ang tumestigo at sinabi niyang ilang beses niyang inabisuhan ng berbal si Carmela tungkol sa tumalbog niyang mga tseke. Batay sa testimonyang ito at sa mga tsekeng tumalbog, sinentensyahang nagkasala si Carmela. Tama ba ang sentensya?
Mali. Sa ilalim ng Bouncing Checks Law, mahalaga na patunayang alam ng nagbigay ng tseke na noong ibinayad niya ito, wala siyang pondo sa banko. Sapagkat ang kaalamang ito ay nasa isip at mahirap patunayan, ipinapalagay ito ng batas kapag naabisuhan ang nagbigay ng tseke at hindi niya napondohan ang mga ito sa loob ng limang araw. Ang abisong ito ay kinakailangang nakasulat. Sa ilalim ng batas, kinakailangang patunayan hindi lamang ang pagbibigay ng tsekeng walang pondo, kundi pati na ang pag-abiso sa pamamagitan ng sulat tungkol sa pagtalbog nito. Kung walang abisong nakasulat, walang sapat na batayan para patunayang alam nga ng nagbigay ng tseke na walang pondo ang tseke niya.
Ngunit kahit hindi nagkasala si Carmela ng paglabag sa Bouncing Checks Law, dapat bayaran niya ang kanyang utang na P563,800 na may 12 percent interest mula nang siyay dinemanda hanggang mabayaran niya ito. (Domangsang vs. Court of Appeals, G.R. No. 179292 December 05, 2000)