^

PSN Opinyon

Giyera bikini

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
DISMig sa pagpapatigil ng mga ‘‘bikini carwash’’ bunsod na rin ng daluhong ng ilang women’s groups. Sunud-sunod ang pagsulpot ng mga ‘‘car wash’’ at handa na ang mga may-ari nito na makipag-sabayan sa umaatikabong ‘‘giyera bikini.’’

Gaya ng lumipas na usong hot-pandesal sa mga sari-sari store, nilulukob ng ‘‘bikini carwash’’ ang buong kapuluan. Madalas nang magawi ang mga may kotse. Tutok sa kanilang mga awto pati sa mga naghuhugas. Ganyan nila kamahal ang kanilang sasakyan.

Karamihan sa mga nagpapalinis ay nagpahayag ng pagkontra sa mga pagkilos laban sa mga ‘‘bikini carwash.’’ Katwiran nila, hindi naman nakakapagpababa sa pagkatao ng mga babae ang pagsusuot nila ng ‘‘bikini.’’ Praktikal ito at akma sa uri ng kanilang gawain.

Ang mga lifeguards na babae ay nakabikini. Pati ang mga kalahok sa mga patimpalak pagandahan. Maging ang mga mananayaw sa noontime shows ay nakabikini. Bakit ipinagbabawal mag-bikini ang mga naglilinis ng kotse? Gitla ang mga DOM.

Sa isang ‘‘giyera bikini,’’ ang mga may-ari ng sasakyan ang siyang makikinabang. Malinis at mabango ang sasakyan at kakaiba ang magiging ‘‘dating’’ nito sa may-ari. Nasa alapaap ang may-ari habang pinasasalamatan ang ‘‘attendant’’ at inaabutan ng tip.’’

BAKIT

BIKINI

GANYAN

GAYA

GITLA

KARAMIHAN

KATWIRAN

MADALAS

MALINIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with