Hindi kasi makuntento ang pamilya ni James L. King sa nangyayari sa kasong isinampa nila sa Prosecutors Office sa Cebu.
Dahil inakusahan ni King ng umanoy kidnapping, echetera sina Roderick Go, Grace Go, asawa nito, isang Cebu City rookie cop na si PO2 Roberto Petilos at driver ng mga Go na si Henry Beritua.
Ganito ang kuwento, malaki raw ang tiwala ni King kay Roderick porke marami na silang naging transaksyon nito lalot sa pagpapa-encash ng huli ng mga tseke sa kanya kaya naging mag-close sila.
Million of pesos ang kanilang naging transaksyon sa pag-encash ng mga tseke ni Roderick kay James.
Ganito ang naging kuwento ni King sa kanyang affidavit, noong June 24, 2002, tinawagan daw siya ni Roderick para ayusin ang mga naging usapan nila kaugnay sa pag-encash ng mga tseke ng huli pero nagkaroon umano ng hindi magandang pangyayari nang magkita sila ng personal sa rooftop ng isang banko.
Hiniwa umano ni Roderick ang kanyang leeg hanggang sa magbabag silang dalawa at nang manghina raw siya dahil sa dugong dumadaloy sa kanyang leeg ay nakita na lamang niya ang mga nabanggit na kasama ng una na umanoy nakasakay na rin sa kotseng kinalululanan niya.
Sa affidavit ni James, dinala siya sa ospital nina Roderick. Inoperahan ito.
Dahil sa pangyayari, nahuli ng mga awtoridad ang driver ni Go samantala ang iba pang mga kasamahan nito at si Roderick ay at-large.
"Matindi pala ang nangyari sa kuwento ni James," anang kuwagong kotong cop.
"Pero hayaan nating ang hukuman ang humatol sa kasong ito."
"Abangan."