Larry Alcala: Buhay niya ang pagguhit
July 5, 2002 | 12:00am
ISA na namang alagad ng sining ang nawala. Siyay si Larry Alcala, ang dakilang Pilipino cartoonist, na kamakailan ay namatay sa sakit sa puso.
Si Larry ay isinilang noong Agosto 18, 1926 sa Daraga, Albay. Apat na taong gulang pa lamang siya ay kinakitaan na magiging mahusay na cartoonist. Sinasabi na si Larry was born with a pen. Sa edad na 16 ay nakilala siya bilang kartonista ng Islaw Palitaw na inilathala ng Liwayway magazine.
Siya ay nagtapos sa University of the Philippines (UP) at nagturo roon ng Fine Arts. Tinagurian siyang ama ng kursong Visual Arts sa UP, at nagsilbing inspirasyon sa maraming kabataan na maging mahilig sa pag-guhit.
Noong dekada 80 sumikat si Larry sa kanyang Kalabog en Bosyo, Asyong Aksaya, Siopawman at Bim, Bam, Bum sa Funny Komiks. Naging paborito din ang kanyang column Slice of Life sa Philippine Star. Dalawampung comic strips ang kanyang nagawa at anim dito ay naisapelikula na ang pinakapopular ay ang Kalabog en Bosyo" at ang top grosser na Asyong Aksaya na pinagbidahan ni Chiquito.
Namatay si Larry sa kanilang tahanan sa Bacolod. Hanggang sa kanyang huling sandali ay nagdra-drawing pa siya ayon sa kanyang maybahay na si Guadalupe. Isa rin akong tagahanga ni Larry at nakikiramay sa mga naulila ng dakilang alagad ng sining.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest