Kaiba sina Bush at Cheney kina Gloria at Tito
July 4, 2002 | 12:00am
NAKAPAGPAPAGAAN ng kalooban na makitang ang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa ay nagtitiwala sa isat isa. Noong nakaraang linggo, inilipat ni US President George W. Bush kay Vice President Dick Cheney ang pamamahala sa gobyerno. Si Bush ay sumailalim sa colon examination. Wala namang anumang naging problema sa proseso ng lipatan.
Ang nangyaring ito sa US ay kapuri-puri hindi katulad sa nagaganap dito sa Pilipinas na ang Presidente at Bise-Presidente ay hindi nagkakasundo. Si Vice President Teofisto Guingona na siya ring Foreign Affairs Secretary ay matagal nang may sariling paninindigan na kakaiba sa polisiya ni President Gloria Macapagal-Arroyo.
Dahil sa pagkakaiba nila ng paniniwala sa mga bagay na may kinalaman sa foreign affairs na katulad halimbawa ng "Balikatan" exercises, hindi ito matanggap ni GMA kung kayat may plano siyang alisin at palitan si Guingona bilang DFA secretary. May mga haka-hakang kumakalat na alam na ni Guingona ang damdamin ni GMA kung kayat pumayag na siyang ilipat sa DENR.
Kung may usapan na pala ang dalawa, bakit kaya nagkagulo pa noong isang linggo tungkol sa acceptance letter ni GMA sa diumanong resignation letter ni Guingona bilang DFA Secretary? Sabi nila, tunay ang pirma ni GMA subalit hindi pa raw dapat ilabas sa madla ang acceptance letter. Ang nangyari tuloy, ang umangkin ng pagkakamali ay si Acting Press Secretary Silvestre Afable na halatang-halata naman na nagtatakip-butas lamang.
Napakaganda nang ibinigay na halimbawa ng pagkakaunawaan at kooperasyon ni Bush at ni Cheney. Ang mahusay na pagtitinginan ng dalawang pinakamataas na opisyal ay nagpapakita lamang kung anong uring tao ang mga Amerikano. Para sa akin, umangat ng napakataas ang kredibilidad ng US sa mata ng mundo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended