^

PSN Opinyon

Pinoy sa Tate II

- Al G. Pedroche -
DETROIT, MICHIGAN – Alam n’yo bang may halos 400,000 ilegal na dayuhan, (kasama na ang mga Pinoy) na pinaghahabol ngayon ng US Immigration?

At may mga Pinoy na naaresto na, bagay na ikinatataranta ng ibang Pinoy TNT dito. Yung mga legal ang estado rito ay walang dapat ipangamba. Mayroong mga immigrant status pa lang na hindi pa US citizens at mayroon namang nakapanumpa na bilang mamamayan ng bansang ito.

Unfortunately,
hindi pa rin mabilang yaong mga ilegal. Paano mo ba namang maidodokumento yaong mga nagtatago?

Pero nagagawang magtrabaho ng mga ito nang palihim. Ito’y bagay na sinasamantala naman ng ilang employers. Puwede silang baratin sa sahod. Kahit singko dolyares isang oras ay kakagatin ng mga Pinoy na ito dahil puwede silang gipitin at takutin ng mga employers porke sila’y TNT.

Kung inaakala ninyong sa Pilipinas lamang ubrang mameke ng mga dokumento, dito’y nagagawa rin iyan. Kahit ilegal ka, puwede kang makakuha ng social security number from spurious sources and for a fee!

Ang hirap nga lang, parang mga daga ang mga illegal alien na ito. Hindi lang Pinoy kundi pati ibang nasyunalidad na tinitingala ang US na bayan ng oportunidad.

Tumitiba rin ang ilang mapagsamantalang abogado rito. Pangangakuang gagawing legal ang kanilang status kapalit ng malaking halaga. Halimbawa, sasabihing puwedeng mag-apply ang isang illegal alien ng political asylum. Kunwa’y nanganganib ang kanyang buhay sa sarili niyang bansa kaya dapat siyang kupkupin ng Amerika.

Sabagay, may mga nagtatagumpay pero marami rin ang nabibigo. Pero sa kabila nito’y handa pa rin ang Pinoy na mamuhunan ng malaki basta’t maging legal lang ang kanyang pananatili sa Amerika.

vuukle comment

ALAM

AMERIKA

HALIMBAWA

KAHIT

KUNWA

MAYROONG

PERO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with