^

PSN Opinyon

Bakit napaka-suwerte ni Dir. Managuelod

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SA lahat ng opisyales ng Philippine National Police (PNP) sa ngayon, ang kaibigan kong si Dir. Lucas Managuelod, deputy director for investigation and detective management (DIDM) ang maituturing nating pinakabuwenas. Kasi nga mga suki, halos lahat na ng juicy assignments ay napuntahan na ni Managuelod at masasabi nating may magandang future pa siya sa nalalabi niyang ilang taon pa sa serbisyo.

You can’t put a good man down, ‘ika nga ng matandang kasabihan natin. Hindi naman nakapagtataka kung bakit narating ni Managuelod ang kanyang puwesto sa ngayon. Ito ay bunga ng hard work at mga namumulaklak na accomplishments na kahit isa man sa kanyang mga kapwa heneral sa PNP ay walang reklamo. Sa kasalukuyan kasi, ang tawag kay Managuelod sa Camp Crame ay ‘‘man of all weather.’’ Ibig sabihin, kahit sino ang uupo sa Malacañang, nakakapuwesto itong kaibigan ko. He-he-he! Inggit lang kayo no!

Pero hindi naman naging madali para kay Managuelod bago makamtan niya ang tagumpay niyang ito. Nagsimula rin siya sa wala. Noon kasing staff officer pa lang siya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang palaging hinaing ni Managuelod ay kung paano siya makapuwesto.

Kumambiyo ang hangin at dininig ang panalangin ni Managuelod nang mapapuwesto siya bilang hepe ng Eastern Police District (EPD) noong panahon ni dating Presidente Fidel V. Ramos. Nagkaroon ng eleksiyon at ang halos lahat ng opisyales ng pulisya ay kumampi sa anointed one ni FVR na si Speaker Joe de Venecia, pero sa kasamaang palad ang nanalo ay si ousted President Joseph Estrada. Nagulat ang lahat nang biglang ma-appoint na hepe ng CIDG si Managuelod. Pagkatapos ng ilang taon ay nahirang pa siyang hepe ng Police Regional Office 4 (PRO4), na kadalasan ay inuukopa ng mga graduates ng Philip-pine Military Academy (PMA). Ang tanong ng ilan noon, ano ’to premyo n’ya? Inggitero talaga kayo!

At habang buwenas itong kaibigan ko, nasa di kalayuan naman ang grupo na tinatawag na ‘‘bukas palad.’’ Huwag n’yo akong tanungin kung sino sila ’no? Baka ma-libel ako. He-he-he! Sa pag-upo naman ni Presidente Arroyo, naging DIDM chief itong kaibigan ko. Isang magandang personal accomplishment na ito para sa kanya na hindi PMAer, di ba mga suki? At may pahabol pa. Matunog sa ngayon na sa pag-upo ni incoming PNP chief Dep. Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr., kandidato rin si Managuelod sa dalawang magandang puwesto ng pulisya natin.

Buweno, para hindi na kayo mabitin pa mga suki, itong si Managuelod ay napipisil ni Ebdane na maging hepe ng Chief Directorial Staff o ng National Capital Regional Po-lice Office (NCRPO), anang mga pulis na nakausap ko. At ang bitbit naman ng kaibigan ko na si Sr. Supt. Oca Calderon ay isinusulong naman niya sa CIDG. Kahit alin diyan, sa tingin ko angkop para sa kaibigan kong si Managuelod sa dalawang puwesto. Wala pang kumpirmasyon sa kampo ni Ebdane pero ang grupo ng ‘‘bukas palad’’ ay masaya na sa ngayon pa lang. Kunin sana kayo… ah este sana lalo kayong patnubayan ni Lord mga ’igan.

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTORIAL STAFF

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EASTERN POLICE DISTRICT

EBDANE

HERMOGENES EBDANE JR.

LUCAS MANAGUELOD

MANAGUELOD

MILITARY ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with