Alagaan ang mga pangisdaan
June 26, 2002 | 12:00am
KASABIHAN na anumang sobra ay lason. Sa isang pangisdaan kapag sobra ang bilang ng mga isda ay mapipinsala sila. Ayon kay Secretary Heherson Alvarez ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dapat itigil ang pagpaparami ng konstruksyon ng mga fish pens sa pangisdaan gaya ng dagat, ilog at sapa.
Napag-alaman na sa Laguna lake ay sobra ang dami ng mga fish pens. Maging sa Taal Lake ay naiulat din na marami nang palaisdaan ang itinatayo. Dumarami na rin ang mga fish pens sa Lake Buhi sa Buhi, Camarines Sur, kung saan matatagpuan ang tabios. Ang tabios ay natala sa Guinness Book of Records na pinakamaliit na isda sa buong mundo. Ang tabios ay endangered species kaya dapat na alagaan.
Sinabi ni Alvarez na dapat na mag-ugnayan ang mga officials at mga taga-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para pangalagaan ang mga pinagkukunan ng isda. Ayon sa mga eksperto sa pangingisda puwedeng paramihin ang mga bangus gaya ng ginagawa sa mga baybayin ng mga lalawigan ng Ilocos kung saan ay alaga ang mga similya hanggang sa lumaki at hulihin para ipagbili sa mga pamilihan. Marami ang ani ng bangus mula Marso hanggang Mayo.
Dapat na nasa tama ang bilang ng mga fish cages gayundin ang bilang ng mga isda para maiwasan ang pagsisiksikan na dahilan kung bakit kinukulang ang oxygen na pumapatay sa mga isda. Dapat ding i-regulate ang pagpapakain ng feeds. Kapag malamig ay hindi makakaing mabuti ang mga isda kaya ang mga feeds ay hindi nauubos at itoy lumulubog at nabubulok at nakakalason sa mga isda. Disyembre at Pebrero ay maginaw at sobra ang baba ng tubig. Napag-alaman ng UP Marines Science Institute na may isang uri ng organism na mabilis ang pagdami at inaagawan ng supply of oxygen ang mga isda. Dapat na maagapan ang organic build-up na ito para maiwasan ang pagkalason ng mga isda bunga ng pollution.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am