^

PSN Opinyon

Masarap humalik ang gorilya

BAGONG SIBOL - BAGONG SIBOL ni Caren P. Abobo -
PLEASE naman… tigilan na ninyo ako sa katutukso sa akin sa gorilyang ‘yon!’’

Itinutukso ako ng barkada kay Gary San Luis. Si Gary ay mestisuhin, matangkad, may malalim na biloy sa kaliwang pisngi at humangin man ng malakas, hindi matitinag ang naka-gel nitong buhok na bumagay sa maamong mukha. Gorilya ang bansag ko sa kanya dahil balbon.

Naalala ko pa, unang taon ko pa lang sa kolehiyo nang makilala ko si Gary. Naging magkaklase kami sa PE. Ballroom dancing ang aming kinuha. Agad ang pagkainis ko rito dahil mayabang, feeling pogi at sikat kung umasta. Hindi ko maikakaila na makalaglag panty ang gorilya dahil halos lahat ng mga kaklase kong babae ay may lihim na paghanga sa kanya. Halos mamatay sa inggit ang mga barkada kong babae nang maging partner ko si Gary. Nagkataon kasing parehong absent ang partners naming dalawa kaya kami na lang ang pinagsama sa pagpraktis ng tango. Deadma lang ako sa kanya. Asar ako sa mayayabang na tulad niya kahit pa nga kamukha siya ng crush kong si Dingdong Dantes.

Nadagdagan pa ang aking inis sa kanya nang magsimula ang praktis namin sa sayaw. Hindi ko kasi masyadong masundan ang mga step.

‘‘Marunong ka bang magsayaw?’’ tanong nito sa akin. Kinailangan ko pang tumingala sa kanya dahil hanggang leeg lang ako nito. Agad umarko ang isa kong kilay sa sarkastikong tanong nito sa akin. ‘‘Kanina mo pa kasi ako naaapakan,’’ sabi pa.

Talagang umuusok na ang ilong ko sa kayabangan ng gorilya. Pero pinigil ko ang sarili sa pag-react dahil alam kong sa aming dalawa nakatuon ang pansin ng mga kaklase namin.

Laking tuwa ko nga ng matapos ang klase dahil mawawala na sa paningin ko ang gorilya. Papasok na ako sa change room ng sitsitan ako ni Gary. Naibulong ko tuloy sa sarili na talagang napaka-ungentleman ng gorilya dahil sa paraan ng pagkuha niya ng atensiyon ko. May pangalan naman ako at hindi aso gaya ng inaakala niya.

Tinanong ako kung ano ang vacant period ko para maayos namin ang araw ng practice. Ibinigay ko sa kanya ang registration card (RC) para ito na ang kumopya ng schedule ko. Iniwan ko siya sandali para makapagpalit ako ng damit. Paglabas ko ng change room, wala na si Gorilya. Paano ang RC ko?

Miyerkules, nagkita kami. Siya na mismo ang lumapit sa akin para isauli ang RC ko. Sinimangutan ko lang. Umugong ang mahinang tuksuhan dahil sa pagbabalewala ko sa gorilya. At gustung-gusto naman niyang siya ang sentro ng atensiyon, agad nitong hinawakan ang kamay ko at hinalikan. Lumakas ang hiyawan at tuksuhan ng mga estudyante na nakasaksi sa loob ng gym. Agad kong binawi ang kamay ko at tinalikuran si Gorilya.

Pumasok ang barkada sa loob ng change room para lang magbulungan at tuksuhin ako kay Gary. ‘‘Please naman… tigilan na ninyo ako sa katutukso sa gorilyang iyon…’’

Kulang na lang murahin ko si Gary sa sobrang pagkapahiyang nararamdaman ko. Sa barkada ko inilabas ang inis dahil alam kami lang ang tao sa loob. Napaupo ako ng mapagod sa pagmamaktol. Iniwan na ako ng barkada, ewan kung bakit. Kinapa ko ang totoong nararamdaman. Inaamin ko na parang isang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko nang halikan ni Gary. Ang korni ko para kiligin ng ganoon samantalang sa kamay lang naman ako hinalikan ng gorilya.

Di ko namalayan na kanina pa pala naghihintay si Gary sa labas. Talagang hinihintay ako para makausap. Wala rin akong kamalay-malay na narinig nitong lahat ang mga nasabi ko patungkol sa kanya. Lumabas ako. Nakita kong nakatayo siya at nakatingin ng walang kakurap-kurap sa akin. Nagtatambulan ang pintig ng puso ko. Di ko mahagilap ang sarili at nanatiling nakatingin rin lang sa kanya. Kaya ng lumapit siya sa akin at dampian ako ng halik sa labi ay hindi man lang ako nakatutol.

Ewan kung gaano katagal ako sa ganoong ayos, natauhan na lang ako ng magsalita si Gary. ‘‘Uy, nag-blushed siya!" sabi nitong nakangisi pa na parang nang-iinis. Agad ang naging reaksyon ko, kaya nga hindi siya nakailag ng batukan ko. Napakamot na lang nang masaktan. Saka sabay kaming napahagikgik ng tawa.

‘‘Ang sarap humalik ng gorilya no?’"

Napairap na lang ako. Magkasabay na kaming lumabas ng gym.

vuukle comment

AKO

DAHIL

DINGDONG DANTES

GARY

GARY SAN LUIS

GORILYA

INIWAN

KANYA

LANG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with