Maraming raket
June 18, 2002 | 12:00am
KUNG magsalita ang pulis at magbalita ang press, animoy iisa lang ang Ativan Gang. Sa totoo lang, nagkalat sila. Malamang na ibang grupo ang nag-pick up at pumatay sa Korean diplomat nung nakaraang linggo, sa nagpatulog at nagnakaw sa negosyanteng Pranses sa Makati kailan lang. Mahalagang malaman ito. Kasi, kapag mahuli ang isang gang, baka isipin tapos na ang salot. Hindi. May papalit pang ibang grupo ng mga pusakal na mag-e-engganyo sa turista o probinsiyano na maki-party sa kanila, tapos lalagyan ng pampatulog ang inumin at saka nanakawan. Briefs na lang ang matitira, kung maawa sila.
Gayon din sa iba pang raket. Maraming gangs ang nagnanakaw sa ATM sa banko. Merong nagle-Lebanese Loop. Nagsisingit ng cellophane sachet sa slot ng ATM card. Kapag nagwi-withdraw ka, sasabihin ng ATM na hindi mabasa ang PIN mo. Iisipin mo na sira ang makina at kinain ang card mo, kaya babawiin mo na lang sa Lunes. Pasok ngayon ang gang, na pinagmasdan pala ang pinindot mong keys para sa PIN. Bubunutin ang card mo sa plastic sachet, at lilimasin ang savings mo.
Meron namang gang na nag-iipit ng plastic bar sa slot na labasan ng pera. Pag-withdraw mo, babara ang cash. Aalis kang galit. Pasok ang gang at bubunutin ang plastic bar, kasama ang pera mo.
Walang ubos, walang tigil, ang dugo-dugo gang. Tatawag sa maid na promdi. Sasabihing na-aksidente si Sir at nangangailangan ng pera sa ospital. Ipakukuha ang alahas at cash sa masters bedroom. Ipadadala sa kanto, kung saan naghihintay ang kunwariy nagmamalasakit na caller.
Yun pala, nasa trabaho si Sir.
Meron ding naghi-hypnotize ng biktima, miski mayaman at may pinag-aralan. Nabobolang ibigay lahat ng pera, o mag-issue ng tseke.
Nariyan din ang Biniboy Gang, mga gwaping na pulis. Nagpapa-pick up sa bakla. Kapag nag-proposition ng sex ang biktima, aakmang ipe-presinto siya at ipa-publicize. Matatakot ang biktima at magsusuhol.
Maging alert parati. Tandaan: may ahas sa bawat gubat. Katwiran naman ng con artist sa biktima: theres a sucker born every minute.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest