^

PSN Opinyon

Ativan Gang strikes again!

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
ANG nakababahalang pagtaas ng kriminalidad ay muli na namang naghasik ng takot hindi lamang sa ating mga kababayan, kundi pati ng mga dayuhan na rin. Dahil sa ganitong kalagayan nagbibigay-babala ang VACC sa lahat na mag-ingat. Nakalulungkot isipin na ang paglago ng krimen ay kinasasangkutan ng ilan nating mga kababayan. Kasabwat na rin ang ilang kasapi ng pulisya at militar, na sana’y sila ang dapat magtanggol at magtaguyod sa kapakanan ng taumbayan.

Noong nakaraang linggo, misteryoso ang pagkamatay ng Korean diplomat na si Chung Young-Ho. Natagpuan ang bangkay ni Chung sa Marikina City noong Biyernes. Ativan Gang ang bumiktima sa Korean.

Isang French national, si Michael Hennequin ay nabiktima rin ng Ativan Gang. Natagpuan na lamang niya ang sarili sa ospital at nawawala ang kanyang pera at mga mahahalagang gamit.

Ano nga ba ang nangyayari sa mga hakbang na isinasagawa ng mga awtoridad? Bakit hindi mapigil ang gawain ng mga elementong kriminal sa ating lipunan? May mga nagtatanong: May sumasabotahe ba sa Anti-Crime Campaign ng Presidente?

ANO

ANTI-CRIME CAMPAIGN

ATIVAN GANG

BAKIT

CHUNG YOUNG-HO

ISANG FRENCH

MARIKINA CITY

MICHAEL HENNEQUIN

NATAGPUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with