^

PSN Opinyon

Ang presyo ng pag-asenso

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
Lumapad ang mga kalsada. Side walk ay malinis at tunay na nalalakaran. Mayroong sapat na easement sa riverbanks. Ang mga gusali at lansangan ay lapat at sementado. Hindi Amerika ang aking tinutukoy kundi Marikina.

Bakit kapag ipinatupad ng mayor ang paglilinis ng sidewalk, binabansagan siyang diktador. Ito naman talaga ang nararapat. Kapag maglilinis ng estero at gigibain ang mga illegal na istraktura, dinedemanda ng human rights violation. Pati mga vendors na napaalis sa puwestong illegal ay nagrereklamo rin na hindi sila binibigyan ng kabuhayan.

Ilan lang ito sa mga presyo ng pag-asenso ng lungsod. Ibig sabihin, dahil sa kultura at nakaugaliang palakad at sistema, mahirap talagang magpatupad ng lehitimo at legal na pagbabago ng walang mga nagrereklamo. Kailangan ng cleansing o reorientation ng Pinoy. At marahil, ilang henerasyon ang dapat dumaan upang mangyari ang mga pagbabagong ito.

Akmang-akma ang salitang Salinlahi sa pagtukoy sa mga bagong henerasyon. Sa pagsasalin ng lahi, nararapat ay mas bumubuti at mas tumitino. Ang mga nagrereklamo ay mawawala na at ang pagsunod sa mga patakaran na magpapaasenso ng komunidad ay hindi na babatikusin. Malaki ang tungkulin ng magulang dito. Mabigat din ang tawag ng panahon at hamon ng pagbabago sa ating kabataan.

Kailangan ay mulat at pursigido ang kabataan na patuloy na maghanap ng pagbabago. Kailangan din nilang matutunan ang pagwaksi ng hindi magandang ugali. Ang pagsasalin ng lahing hindi dapat ay kanilang balikatin. Sa ganitong paraan lamang tunay na, magkakaroon ng pag-asang umasenso ang bansa. Ito ang mga presyo ng pagbabago.

AKMANG

BAKIT

HINDI AMERIKA

IBIG

ILAN

KAILANGAN

KAPAG

LUMAPAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with