Ang talinghaga ng suliranin
June 15, 2002 | 12:00am
ANG magsasaka ay hirap na hirap ang pamumuhay. Ang kita niya sa pagsasaka ay hindi sapat para sa pamilya. Anim ang kanyang anak. Halos magiba ang kanilang bahay-kubo. Pag-umuulan ay malakas ang tulo ng bubong. Ang dingding na sawali ay puro butas at tinatakpan lamang ng basyong karton. Pati sahig na kawayan ay bali-bali.
Subalit sa kabila ng kahirapan ay may ipinagmamalaki ang magsasaka. Mayroon siyang anak na babae at pinakamaganda sa buong nayon. Ito ang madalas mapili na reyna sa ngayon. Marami ang umaakyat ng ligaw sa kanyang anak.
Nagtakda ang magsasaka ng patakaran para sa mga umaakyat ng ligaw sa anak.
Ako ay may tatlong suliranin sa aking buhay, sabi ng magsasaka. Ang sinumang makapagbigay ng solusyon sa aking problema ay ipakakasal ko sa aking anak.
Ano po ang iyong suliranin? Tanong ng isa sa mga manliligaw.
Una ay nawala ang aking panlasa. Ikalawa, hindi ako makapagsabi ng katotohanan. Ikatlo, hindi ako makaalala. Pag hindi ninyo ako matulungan ay tatagain ko ng gulok.
Isang linggo ang lumipas, isang binata ang naglakas loob. Nagdala siya ng isang tasa ng dinikdik na dahon ng ampalaya. Binigyan ng isang kutsarita ang magsasaka.
Biglang iniluwa ng magsasaka ang ampalaya at sumigaw, Pwe! Mapait.
Sabi ng binata, Solve na ang dalawang problema ninyo. May panlasa kayo at sinabi ninyo ang katotohanan na mapait. Gusto pa po ninyo?
Ayaw ko na, sagot ng magsasaka.
Aha, naalala na ninyo!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am