Tanong sa POP Housing loan para sa mga OFW
June 14, 2002 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako po ay OFW dito sa Hong Kong. Houseboy po ako rito at nangangarap magkaroon ng sariling bahay. May mga katanungan po ako tungkol sa Pag-IBIG Overseas Program (POP) Housing Loan at sana ay mabigyan nyo ako ng paliwanag.
Saan ko po matatagpuan ang opisina ng POP dito sa Hong Kong at papaano ang hakbang upang maging miyembro?
Magkano po ang buwanang kontribusyon at kailan ako dapat magbayad para maka-loan ng pabahay?
Pakipaliwanag po sa akin kung magkano ang babayaran sakaling ang loan ay nagkakahalaga ng P1,000,000; P1,500,000 at P2,000,000? DANILO T. BINAG
Ang tanggapan ng Pag-IBIG Overseas Program sa Hong Kong ay nasa Philippine Consulate General United Centre, 95 Queensway, Hong Kong SAR. Upang ikaw ay maging miyembro, kinakailangan mong mag-fill-up ng Membership Form na aking ipapadala sa iyo. Lakipan mo rin ito ng dalawang 1x1 ID pictures. Kinakailangan mo ring magbayad ng regular na buwanang kontribusyon mula US$20 hanggang $50. Ang iyong buwanang kontribusyon ay maaaring bayaran sa PNB Hong Kong.
Kung ang iyong uutangin ay mula P500,000 hanggang dalawang milyon, ang interes ay 18 percent subalit sisingilin ka ng mas mababang interes kapag ikaw ay nagbayad ng mas maaga kaysa sa takdang panahon. Ang iyong loan ay mababayaran sa loob ng lima o 10 taon.
Sana ay naliwanagan ka sa aking kasagutan at maraming salamat sa iyong patuloy na pagsuporta at pagtangkilik sa aking kolum dito sa Pilipino Star NGAYON. Sa mga katanungan, ipadala ang inyong mga liham sa Office of the Chairman, Housing and Urban Development Coordinating Council, 6th Floor Atrium Building, Makati Avenue, Makati City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest