^

PSN Opinyon

Parehas ang mga kuwago

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAIS naming patunayan sa mga mambabasa ng ORA MISMO Na ang column na ito ay parehas, binabatikus ang dapat batikusin at pinupuri ang dapat purihin.

Sa pagkakataong ito saludo kami sa mga tauhan ni P/Sr. Supt. Bun Villareal, Station Commander ng WPD-PS8 na nakabase sa Stop & Shop, Sta. Mesa, Maynila.

Ito ay sa kabila ng mga pagbatikos na ipinukol ng mga kuwago ng ORA MISMO sa himpilang pinamumunuan ni Col. Villareal hinggil sa naganap na snatching incident noong Mayo 5 sa Caltex Station na matatagpuan sa kanto ng Old Sta. Mesa at Valenzuela Sts.

Bagamat nabulabog ang madaliang pagsakote sa "mamimitas" na si Edgar Sangel y Basco, alias "Egay Galis", 31, jobless ng 4540 Int. 16, V. Francisco St., Old Sta. Mesa bunga ng pagkakalathala sa column nating ito ay nagawa pa ring madakip ng mga magigiting na kagawad ng pulisya na sina SPO1 Jess Balakid at PO3 Robert Zapata ang suspect sa isinagawang follow-up operation sa pinagtataguang lugar nito sa Canlubang, Laguna noong Mayo 22.

Iyon nga lang nanghihinayang ang mga kuwago ng ORA MISMO sa halip na mabawi ang hinablot ni Egay Galis na gold necklace na nagkakahalaga ng P10,000 mula sa biktimang si Ana Fe Carbajosa na ngayon ay nasa Japan na ay "papel de ahensiya" na lamang ni Dr. Tambunting ang nakuha mula sa suspect.

Sa madaling sabi, ilang oras pa lamang ang nakalilipas mula ng agawin niya ito sa biktima noong Mayo 5 ay naisangla na kaagad ni Egay Galis ang kuwintas sa halagang P2,800. Sabi niya ay pampagawa raw ng nasira niyang trolley na gamit sa panghahanapbuhay sa kahabaan ng riles sa Parcel.

Kasama ng biktima ang batikang imbestigador na si Inspector Intia, na nagtungo sa tanggapan ng Asst. Prosecutors sa Manila City Hall dakong alas-11:00 ng gabi upang tuluyan nang ipagharap ng kasong kriminal si Egay Galis.

Anuman ang kahihinatnan ng istorya ni Egay Galis ay panahon na lamang ang makapagsasabi ngunit isa lamang ang gusto naming iparating kay Col. Villareal.

"Sir, boss, chief di na kayo kamote ngayon. Tulad ng request ninyo, "french fries" na kayo. Mas masarap at tipong sosi", sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

"Alam mo ba ang totoong istorya kung bakit kilos bagyo ang ginawa ng pulisya para tirahin si Egay Galis," sabi ng kuwagong kotong Cop.

"Ano?"

"May memorandum si DILG Secretary Joey Lina kay NCRPO bossing Edgar Aglipay na imbestigahan ang sinulat ni Chief Kuwago tungkol sa isyung ito at i-submit ASAP kay Lina ang nasabing report".

"Kaya mabilis pa sa tornado ang aksyon nila".

"Kaya thank you kay Lina at Aglipay kundi dahil sa inyo baka hanggang ngayon ay namimitas pa ng kuwintas si Egay Galis" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ganyan ang gusto ng bayan may aksyon!"

ANA FE CARBAJOSA

BUN VILLAREAL

CALTEX STATION

CHIEF KUWAGO

DR. TAMBUNTING

EDGAR AGLIPAY

EDGAR SANGEL

EGAY GALIS

OLD STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with