^

PSN Opinyon

DTI ang kalaban ng mga imported vehicles sa Subic

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NGUMANGAWA ang mga importers at brokers na may operasyon sa Subic Customshouse. Wala silang katiyakan kung mailalabas pa nila sa nasabing lugar ang mga imported vehicles na ipinasok sa bansa ng illegal kabilang dito ang mga kinarnap sa abroad at mga converted vehicles. Matindi ang imbestigasyong nagawa ngayon ng pinagsanib na tauhan ng Department of Trade and Industry at ng Bureau of Customs.

May 4,000 imported vehicles ang nakabitin ngayon sa Subic at tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na malabo na itong makalabas. Di ba? DTI Secretary Mar Roxas, Your Honor!

Hindi na kasi uubra ang mga ‘lagayan blues’ para sa mga kamoteng taga-Customs porke ‘man to man’ guarding ngayon sa nasabing lugar.

Hinahanapan ngayon ng mga dokumento galing sa Bureau of Import Service (BIS) ang mga taong maglalabas ng imported vehicles kailangan base sa red o blue book value kapag nagbayad sila ng buwis na gawa ng mga sindikatong paikutan ang mga kamoteng awtoridad dito kapalit ng pitsa kaya namihasa.

Walang penalty, undervalued, echetera kaya dehado ang gobyerno dito! Prez Gloria Macapagal-Arroyo, Your Excellency.

May mga importer na ayaw magbayad ng tamang buwis sa gobyerno kahit na may mga notices na sila. Ang katwiran magugutom din daw ang mga kamoteng taga-Customs.

Hindi lamang sa Japan, Korea galing ang mga sasakyan sa Subic kundi maging sa Europe at Gitnang Silangan ay pinapasok ang mga second hand luxury vehicles.

Ginagawang imbakan ng basura ang Pilipinas at tapunan ng mga karnap vehicles from abroad!

"Kaya pala ang pera sa Subic ay parang tubig na sinasalok malalim pala ang operasyon?" anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

"Tiyak ka bang matindi ang sindikato rito?" tanong ng kuwagong kotong cop.

"Sigurado! technical smuggling," sagot ng kuwagong haliparot sa kabaret.

"Ano ang magandang gawin dito?"

"Bantayan ang galaw ng sindikato para hindi malugi ang gobyerno"

"Huwag nating bitiwan ang isyung ito"

"Korek ka dyan kamote."

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMPORT SERVICE

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GITNANG SILANGAN

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SECRETARY MAR ROXAS

SUBIC

SUBIC CUSTOMSHOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with