^

PSN Opinyon

Tungkol sa jueteng: Di ka dapat tumingin sa malayo Sec. Lina

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SAMU’T SARING pamamaraan ang ginagawa ng ating pulisya para lang mapaglalangan itong si Interior Secretary Joey Lina sa kampanya niya laban sa jueteng. Kaya kung sa akala ni Lina ay nagugutom ang ating pulisya bunga sa abo’t langit na pananakot niya, nagkamali siya dahil taliwas sa kanyang inaasahan bundat pa rin sila sa kabusugan dahil hindi naman natigil ang kanilang intelihensiya. Itanong mo ’yan kay Dir. Nestorio Gualberto, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at patutunayan niya dahil panay panganak ang mga unit sa ilalim ng opisina niya.

Dapat hindi na tumingin pa sa malayo si Secretary lina dahil dito mismo sa Metro Manila ay hindi umuubra ang pagkukumpas ng kamay at tilamsik ng laway niya. Ang malungkot, ni hindi nga siya sinusunod ng mga opisyal ng pulisya natin ukol sa jueteng.

Ang nagrereklamo sa ngayon ay ang mga jueteng lords dahil tumaas na bigla ang kanilang intelihensiya dahil tinatakot sila ng mga active at retired na pulis at sibilyan na ‘‘tong’ collectors para magbigay ng malaking halaga sa kanila. Kailan ka matatauhan Secretary Lina, tanong nila?

Sa Eastern Metro Manila ang inirereklamo ng mga jueteng lords eh hinuhuli sila ng mga bataan ni Chief Supt. Rowlando Sacramento kahit may intelihensiya sila. Ang masakit pa tinutuluyan sila o ’ika nga ay kinakasuhan pa. Pakapalan lang ng mukha ’yan mga ’igan, di ba mga suki? Totoo ba na kinakapos na ng gasolina ang mga istasyon ng pulisya sa Marikina City, Pasig City, Mandaluyong City at San Juan dahil sa pakikialam na rin ni Sacramento? Ang tindi mo Sir! Magbago ka na.

Sa Western Police District naman, nawalang parang bula si Grace. Namahinga na rin ang kaibigan nating si SPO1 Tom Bio dahil sobrang mainit na siya. Ang tumunog na pangalan sa ngayon ay ang kina SPO3 Rod Villaruel at PO2 Christopher Villaluz, na kapwa taga D-3 o deputy chief for operations, na pumalit kay Bio. Sina Villaruel at Villaluz na sa ngayon ang ginagamit ni SPO3 Jorge Urdaneta, ang man Friday ni Chief Supt. Nick Pasinos, He-he-he! Kaya pala walang nahuhuli sa jueteng si Sir Pasinos dahil siguro kina Villaruel at Villaluz.

May halos 10 araw kasi noong nakaraang buwan na walang accomplishment ang WPD sa jueteng, pero hindi ibig sabihin nito wala ng ilegal na sugal doon. Kasi nga nagsagawa ng raid ang Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO) sa Wagas St., Tondo noong nakaraang Huwebes at naaresto ang 10 personnel ng Masagana jueteng ni Milo Samson, kabilang na ang nadismis na pulis na si Alex Mabasa.

Sa Northern Metro Manila naman, patuloy pa rin ang pamamayagpag nina Tony Santos, Augusto ‘‘Aging’’ Lisan, Lita Javier, Boy Aquino, Elmer ‘‘Ely’’ Mango, Eddie Caro, Milo Samson at Oggie de Leon. Centralized umano ang intelihensiya ng mga loko sa matataas na opisyal ng Northern Police District (NPD), anang mga pulis na nakausap ko.

Hindi magtatagumpay ang jueteng campaign ni Lina kapag panay koordinasyon ang ginagawa ng Task Force Jericho bago sila magsagawa ng raid. At kawawang Secretary Lina. Siya ang nasisisi sa kakulangan ng pulisya natin.

ALEX MABASA

BOY AQUINO

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER VILLALUZ

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAHIL

JUETENG

MILO SAMSON

SECRETARY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with