Nasa ganitong gawain si Gerry nang may malakas na pagsabog na naganap sa ilalim ng bahay ng mag-asawa. Namatay si Gerry at nakasuhan ng homicide ang mag-asawa. Ang biyuda ni Gerry ay humiling din ng kaukulang bayad ayon sa Workmens Compensation Act dahil sa pagkamatay ni Gerry. Tinanggihan ito ng mag-asawa. Illegal daw ang ginagawa ni Gerry nang mangyari ang sakuna. Kaya hindi ito sakop ng Workmens Compensation Act. Tama ba ang mag-asawa?
Mali. Hindi si Gerry ang may illegal na gawain kundi ang mag-asawang pinaglilingkuran niya. Empleyado lang si Gerry ng mag-asawa. Siyay nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan at pamamahala, kaya maaring ipagawa sa kanya ng mag-asawa ang anumang tulad ng illegal na paggawa ng dinamita. Si Gerry ay legal, opisyal at pangunahing driver ng mag-asawa. Kahit na siyay pinagagawa ng ibang trabaho tulad ng paggawa ng dinamita, itoy hindi makahahadlang sa kanyang mga naiwan na tumanggap ng benepisyo sa ilalim ng batas. Bukod dito, kahit may mantsa ng ilegalidad ang ginagawa ni Gerry, itoy hindi makasisira ng kanyang karapatang tumanggap ng kabayaran sa ilalim ng Workmens Compensation Act. Maluwag ang batas para sa kapakanan ng manggagawa (Bucatan vs. WCC 67 SCRA 410).