PAL gagawin muling PALabigasan ?
June 1, 2002 | 12:00am
NAKAKA-SHOCK to the max ang pahayag ni President Arroyo na balak muling i-takeover ng gobyerno ang Philippine Airlines.
Dating majority stockholder ang gobyerno sa nations flag carrier pero sa mga panahong yaon, itoy naging PAL-lugi. Kaya sa pag-upo ni Fidel Ramos bilang Pangulo, ibinenta nang tuluyan sa pribadong sektor ang PAL.
And true enough, privatization proved to be a very effective means in saving PAL from bankruptcy. Sa pangangasiwa ng pribadong sektor, agad pumasok ang bagong investment na $200 milyon mula sa dayuhang investors.
Si Lucio Tan ngayon ang may 53 porsyentong controlling stock sa korporasyon. At sa kasalukuyan, isa nang lucrative business ang PAL.
Ang katuwiran ng Pangulo, gagamitin daw ang PAL na instrumento sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa through an "open skies policy."
Ang mga turistang mahahakot ng PAL sa bansa ay magpapaangat daw nang husto sa industriya ng turismo. Malugi man daw ng bahagya ang PAL, malaki ang hahakuting pera ng turismo. Thats putting the cart before the horse.
Bago mahikayat ang mga turista na dumagsa sa Pilipinas, ayusin muna ang peace and order condition. Lutasin muna ang problema sa polusyon at bigyan ng magandang pasilidad ang mga dayuhang bibisita sa ating bansa.
Paanong maeengganyong magtungo rito ang mga turista kung nangangamba silang makidnap o dapuan ng sakit?
Kapag hinawakan muli ng pamahalaan ang PAL, malamang gagawin muli itong milking cow. PALabigasan. Ganyan noong araw. Ginamit ng mga impluwensyal sa pamahalaan ang PAL sa pagliliwaliw sa buong daigdig na animoy sila ang may-ari ng korporasyong ito. Kaya nga muntik nang magsara ang ipinagkakapuri nating flag carrier ng Pilipinas.
Ayon kay PAL vice president for corporate communication Rolando Estabillo, pinag-uusapan na ng PAL board ang plano ng gobyerno. Ang problemay hindi madesisyunan dahil ang may-ari na si Lucio Tan ay nasa ibang bansa. Ang tanong, papayag bang ibenta ni Tan ang kanyang control ngayong kumikita na ang korporasyon?
At saan naman kukuha ng pondo ang gobyerno para bilhin ang malaking porsiyento ng PAL? Kung mayroon man, napakaraming importanteng proyekto ang hindi maasikaso dahil sa lack of funds, tapos bibilhin pa ang PAL? Tila wrong priority.
Mrs. President, kalimutan na ang balak na iyan. Sakit lang nang ulo ang dadapo sa iyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended