^

PSN Opinyon

Asia KTV tinitiktikan ng CIDG

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
TIYAK ng mga kuwago ng ORA MISMO na matitimbog ang mga gambler ng madjong at pai-gow diyan sa isang secret door ng Asia KTV sa Tomas Mapua St., Sta. Cruz Manila.

Natigil lamang ng isang araw ang ‘‘gambling storm’’ operation ng bukuhin ng mga kuwago ng ORA MISMO ang milagrong laro sa nasabing lugar.

Tiyak din makukuha ng mga awtoridad ang mga menor de edad na nagtatrabaho dito kapag nagkataon. Ready ka Abno sa pasok ng CIDG.

Ilang metro lamang ang layo ng Asia KTV sa isang eskuwelahan diyan sa T. Mapua kaya nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO kung bakit nabigyan ng permit itong klub? Just asking lang Mayor Lito Atienza, Your Honor!

Sangkaterbang tsekwa ang nagpupunta sa nasabing klub porke ang akala ng mga kuwago ng ORA MISMO ay may special show sa nasabing lugar iyon pala may sugalan sa loob ng secret door?

Hindi puwede ang mga Noypi sa secret door kundi mga tsekwa lamang galing Mainland at kung local Chinese kailangan may datung at hindi marunong mag-mo(utang).

‘‘Hintayin natin ang operasyon ng CIDG kung positibo?’’ sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

‘‘Tiyak sapote lahat ito kapag nagkataon.’’

‘‘Hindi papayag dito si General Jess Verzosa?’’

‘‘Siguradong kalaboso ang mga amo ni Abnormal kapag nagkataon.’’

"Iyan ang hintayin natin para malaman kung sino ang patong?’’

‘‘Wait and see muna tayo!’’

vuukle comment

ABNO

CRUZ MANILA

GENERAL JESS VERZOSA

HINTAYIN

ILANG

MAYOR LITO ATIENZA

TIYAK

TOMAS MAPUA ST.

YOUR HONOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with