^

PSN Opinyon

Huwag mag-panic pagsapit ng El Niño

SAPOL - Jarius Bondoc -
PITONG-BESES nang sumapit ang El Niño nitong nakaraang 50 taon. Pero naging mas malimit nitong lumipas na 15 taon. Tuwing apat o limang taon na kung maganap. Baka raw dala ng sobrang air pollution ng mga pabrika, kotse at power plants na bumubutas sa ozone layer at nagpapainit sa kapaligiran.

Dahil sa El Niño, umiinit ang Pacific Ocean. Kumokonti ang ulan. Natutuyo ang mga ilog at batis. Bumababa ang water level sa mga dam. Sa pagsapit ng El Niño mula October 2002 hanggang July 2003, maaaring bumagsak ang ani ng palay at mais, gulay at prutas na matakaw sa tubig. Ngayon pa nga lang normal na tag-init, halos P1.1 bilyon nang pananim ang nasira sa Kanlurang bahagi ng Pilipinas.

Sa tindi ng init at kulang sa ulan, maaari ding mag-rasyon ng tubig-inumin at pang-industriya ang water districts, imbis na tuluy-tuloy ang supply. Maaring magka-power shortage kung mahina ang tubig sa dams para paandarin ang hydroelectric plants. Dahil tagtuyot, titindi ang locust infestation sa mga palayan. Titindi rin ang sakit ng tao kung kulang sa inumin. Hihina ang ani sa palaisdaan dahil bababa ang tubig at papasok ang sobrang alat. Hihina rin ang paghuli ng isda, dahil lalayo ang mga isda sa malamig at malalim na dagat. Magkakasakit ang mga manok, baboy, kambing at baka. Dadami ang forest fires.

Pero naglalaan na ang gobyerno ng pondong pangontra sa salot ng El Niño. Tinuturuan ang mga magsasaka na mag-shift sa ibang tanim na di-matakaw sa tubig pero mas mataas ang benta. Bumibili ng eroplano pang-cloud seeding. Naghahanda ng gamot pang-tao at hayop. Mag-aangkat ng bigas kung kinapos ang ani. Nagpapahukay ng mga balon.

Huwag mag-panic, anang gobyerno. Ang panic nga naman ay dulot ng kawalan ng kaalaman tungkol sa problema at solusyon. Pinaka-mainam ay kung magsasanay tayo ngayon pa lang magtipid sa tubig.
* * *
Abangan ang Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:30 p.m., sa IBC-13.

ABANGAN

BUMABABA

BUMIBILI

DAHIL

EL NI

HIHINA

LINAWIN NATIN

PACIFIC OCEAN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with