^

PSN Opinyon

Diborsiyo

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
HANGGANG ngayon, ang ating mga mambabatas ay di-nagtatagumpay na magpanukala ng isang batas na magpapahintulot sa diborsiyo sa Pilipinas. Makatutulong sa atin na unawain kung bakit matindi ang pagtutol ng Simbahan laban sa diborsiyo. Sa Ebanghelyo para sa araw na ito, sa pagturan niya sa institusyon ng pag-aasawa sa Genesis, sinasabi sa atin ni Jesus na ang pinagsama ng Diyos ay di-dapat paghiwalayin ng tao. Ganito mismo ang ginagawa ng diborsiyo.

Pakinggan at malalim na pagnilayan kung paano tinugon ni Jesus ang katanungan ng ilang mga Pariseo (Mk. 10:1-12).

‘‘Umalis doon si Jesus, nagtungo sa lupain ng Judea, at nagtuloy sa ibayo ng Ilog Jordan. Muli siyang pinagkalipumpunan ng mga tao, at tulad ng dati’y nagturo sa kanila.

‘‘May mga Pariseong lumapit kay Jesus. Ibig nilang masilo siya kaya’t kanilang tinanong, ‘Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?’’ Tugon niya, ‘ano ang utos sa inyo ni Moises?’ Sumagot naman sila, ‘Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.’’ Ngunit sinabi ni Jesus, ‘Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito. Subalit sa simula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: "Nilalang niya silang lalaki at babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y magiging isa,’’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.’

‘‘Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, ‘Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa – siya’y nangangalunya. At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.’’


Ang kabutihan at karunungan ng Diyos, at kanyang pagrespeto sa pantaong kalayaan, ang siyang nagbigay sa lalaki at babae ng bokasyong maging kanyang kapwa-tagapaglikha. Sila’y nabigyan ng pagmamahal, kagalakan at kapangyarihang sexual upang isaganap ang bokasyong ito. Ang pag-aasawa ay may kaakibat na mga responsibilidad at mga dalahin. Ngunit ito rin ay may dalang mga kagalakan at mga gantimpala.

Idagdag pa natin: Ang mga matinding nabibiktima ng diborsiyo ay ang mga anak. Dumarating ang mga ito sa punto na ramdam nila ang kawalang-pagmamahal. Ipagpatuloy natin ang paggiit sa kaisahan ng pag-aasawa. Iligtas natin ang pamilya. Ang ikaapat na Pandaigdig Pulong ng mga Pamilya ay gaganapin dito sa Pilipinas sa Enero 2003. Nais ng Diyos na nagkakaisa at nagmamahalang mga pamilya.

ASAWA

DAHIL

DIYOS

ILOG JORDAN

KANYANG

MOISES

NGUNIT

PANDAIGDIG PULONG

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with