^

PSN Opinyon

Sagot sa basura

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
IPINAHAYAG ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na bibilhin nito ang mga basurang nakalap ng mga bata sa paligid. Ayon sa ahensiya, ang panukala ay magbibigay ng kaunting kita sa mga batang galing sa mga mahihirap na pamilya. Maaari nila itong gamitin bilang pantustos sa kanilang pag-aaral kasabay na ng paglilinis ng kapaligiran.

Hindi na bale kung maraming tao ang pabaya sa pagtatapon ng kanilang basura. Bahala na ang mga bata. Hindi ba’t ang pagdami ng mga paslit sa mga ‘‘squatter colonies’’ ay kasabay din ng pagtambak ng basura sa paligid.

Mainam kung papalawakin ng MMDA ang panukala at bigyan ng ‘‘bonus’’ ang mga batang magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga taong mahilig magkalat. Hindi praktikal na i-recycle ang mga taong nagkakalat. Mas mabuting mabulok na lang sila sa kulungan.

Naisip ng MMDA ang mga paslit, pero paano naman ang mga magulang? Dapat bigyan sila ng pagkakataon na makapagbigay ng impormasyon upang madakip ang mga masasamang loob kapalit ng pera.

Habang naghahakot ng basura, hukbo-hukbong magulang na walang trabaho ang kumikita habang nagmamasid sa paligid ng kanilang barangay. Isa itong naiibang paraan upang masawata ang kriminalidad at maibsan ang antas ng mga walang trabaho.

Malaki ang pag-asa na magtagumpay ang programang ‘‘Basura-Palit-Baon’’ ni MMDA Chairman Benjamin Abalos. Dapat silang papurihan. Isa itong kahanga-hangang solusyon sa problema sa basura.

AYON

BAHALA

BASURA-PALIT-BAON

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

DAPAT

HABANG

ISA

MAAARI

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with