Kahit nalipat na si Doming sa AC binibigyan pa rin siya ni Armando ng ibang gawaing may kinalaman sa DCT at iba pang karagdagang tungkulin. Noong 1976, may bagong grupo na humawak sa pangangasiwa at mga ari-arian ng AC na pinangungunahan ni Rico, bagamat si Armando pa rin ang taga-pangulo. Dahil sa pagpalit ng namamahala sa AC, minabuti na ni Doming na magretiro matapos makapaglingkod ng 21 taon kay Armando sa dalawang korporasyon. Pinirmahan ni Armando ang opisyal na pagreretiro ni Doming. Ngunit ayaw bayaran ni Rico ang retirement pay at iba pang benepisyo ni Doming. Ayon kay Rico, hindi raw empleyado ng AC si Doming kundi empleyado ni Armando. Tama ba si Rico?
Mali. Ayon sa papeles ng AC, si Doming ay empleyado nito. Ang pagbibigay ni Armando ng ibang gawain kay Doming na may kinalaman sa ibang korporasyon nito ay hindi masasabing di-angkop sa trabaho ng huli sa AC dahil ang una rin naman ang may-ari nito. May kapangyarihan si Armando na pansamantalang bigyan ng ibang gawain ang mga empleyado niya sa kanyang dalawang korporasyon. Kaya dapat bayaran si Doming ng lahat na benepisyo sa paglilingkod niya ng 21 taon. (Jose vs. NLRC 145 SCRA 65)