^

PSN Opinyon

Ingatan ang taynga

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG taynga ay isa sa pinaka-importanteng bahagi ng katawan. Isipin ninyo kung wala tayong pandinig, ano kaya ang mangyayari sa atin? Mahirap maging bingi. Batay sa pinakahuling survey, umabot sa pagitan ng 13-15 percent ng mga Pilipino ngayon ang may diperensya sa pandinig.

Ayon kay Dr. Eduardo Go, isang board certified hearing instrument specialist, matatamo ang better living through better hearing kaya dapat na huwag ipagwalang bahala ang pangangalaga ng ating mga taynga. Sinabi niya na sobrang pinsala ang dulot ng malakas na tunog gaya ng pagsabog, busina ng sasakyan, lakas ng tunog sa disco at karaoke bar.

Ipinapayo ni Dr. Go na sa paglilinis ng taynga ay dapat na maging maingat gaya ng pag-aalis ng tutule. Mag-ingat sa paggamit ng cotton buds, palito ng posporo na pandukot ng tutule. Sobrang pinsala ang dulot nito ayon kay Dr. Go. Kung maliligo ay huwag bayaang mapasukan ng tubig ang taynga na magiging sanhi ng pagkakaroon ng luga. Kapag maliligo, dampi lang ang pagsasabon sa taynga at gumamit ng malinis na tela (huwag labakara) para alisin ang dumi sa loob.

Ayon pa kay Dr. Go, maging maagap tayo kapag magkakaroon ng ugong sa taynga, nahihirapang makarinig at hindi maintindihan ang sinasabi ng ating kausap. Kapag naramdaman mo ito, ipinapayo ni Dr. Go na magpasuri kaagad sa doktor para maiwasan ang pagkabingi. Si Dr. Eduardo Go ay nagkiklinika sa Medical Plaza Makati at St. Luke’s Medical Cener. Matatawagan siya sa mga telepono 867-1229-30 at 723-1159-60. Ang Bantay Kapwa ay malugod na bumabati ng Happy 50th birthday ngayon kay Dr. Go.

AYON

BANTAY KAPWA

BATAY

DR. EDUARDO GO

DR. GO

IPINAPAYO

KAPAG

MEDICAL CENER

MEDICAL PLAZA MAKATI

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with