Ang Community Mortgage Program ng NHMFC
May 22, 2002 | 12:00am
Dear Secretary Defensor,
Kami po ay naninirahan sa lupang hindi namin pag-aari. Dalawampung taon na po kaming naninirahan dito. Dito na po kami ipinanganak at nakapag-asawa. Kilala po namin ang may-ari ng lupa at payag naman po siyang ibenta ito sa amin. Ang problema po namin ay kung paano bibilhin ang lupang kinatitirikan ng aming bahay gayong maliit lamang ang aming kinikita? Sana matulungan nyo kami. LIZA ng Novaliches
Ang Community Mortgage Program sa ilalim ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) ay programang naglalayong matulungan ang mga asosasyong nakarehistro sa Securities and Exchange Commission at ang mga walang tirahan na mabili at mapaunlad ang isang lupa sa konseptong pagmamay-ari ng komunidad. Pangunahin nitong layunin na matulungan ang sinuman na mabili ang lupang kanilang tinitirhan at pagpapaunlad ng lupa kung gusto man nilang lumipat sa ibang lugar. Ang lehitimong asosasyon ay maaaring makiusap sa nagmamay-ari ng lupa na ipagbili ang lupa sa kanila at mababayaran ito sa ilalim ng Community Mortgage Program.
Maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating NHMFC, CMP-Secretariat, Filomena Bldg., Amorsolo St., Legazpi Village, Makati City o maaari kayong tumawag sa tel. no. 8931501 para sa karagdagang detalye. Kung wala pang lehitimong organisasyon, maaari po kayong tulungang mag-organisa ng NHMFC-CMP Secretariat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am