Paano magkakaroon ng sariling bahay

Dear Secretary Defensor,

Ako po ay sumulat sa inyo upang humingi ng tulong kung paano magkaroon ng sariling bahay na huhulugan lang ito ng mababa. Ako po ay nasa wastong gulang na, may sariling pamilya at sumasahod ng P7,000 bawat buwan. Kami po ay palipat-lipat ng inuupahan na kadalasan ay medyo may kataasan ang upa rito. Nakatira po kami sa Caloocan at dito rin kami naghahanapbuhay. — Ferdinand


Ang Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG ang kaukulang programang makakatulong sa ating mga kababayang nagnanais magkaroon ng sariling bahay sa murang halaga. Sa programang ito, maaari po kayong mangupahan sa loob ng limang taon at maaari po ninyong gamitin ang option to purchase pagkatapos ng limang taon. Kung ninanais po ninyong mangupahan malapit sa Caloocan, mayroon pong mga rent-to-own sa bandang San Jose del Monte, Bulacan o sa Smile Citihomes Condominium. Tuwing Sabado ng alas-otso ng umaga, mayroong dinadaos na seminar tungkol dito. Ang seminar na ito ay kailangan upang maka-avail po kayo ng mga bahay sa ilalim ng programang ito. Magsadya lamang po tayo sa Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City o tumawag sa tel. no. 8488270 o trunk line 8114401-27 para sa iba pang mga detalye.

Show comments