^

PSN Opinyon

Editoryal - Iimbestigahan ng NBI ang kanilang sarili

-
MAAARI bang imbestigahan ang sarili ? Bilib it or not pero ganito ang mangyayari sa National Bureau of Investigation (NBI). Iimbestigahan mismo ng bureau ang sarili nilang tanggapan dahil sa misteryosong pagkawala ng siyam na kilo ng shabu noong May 2, 2002. Ang misteryosong pagkawala ng shabu sa NBI ay natuklasan ni Deputy Sheriff Rodolfo Toledana ng Pasay City Regional Trial Court . Nakumpiska ang shabu sa suspected drug trafficker na si Sandra Lim ng Leveriza St., Pasay City noong Dec. 26, 2000.

Sinabi ni NBI Director Reynaldo Wycoco na ipinag-utos na niya ang imbestigasyon. Sinabi ni Wycoco na ang shabu ay maayos na nakatago sa isang "safe" sa forensic laboratory ng NBI’s Dangerous Drug Section. Hahalukayin umano ng NBI ang kailalaliman ng kasong ito. Gusto nilang makatiyak kung nawala nga ang shabu o nagkamali lamang sa labelling.

Hindi na nakapagtataka ngayon kung bakit patuloy ang pagkalat ng ipinagbabawal na gamot partikular ang salot na shabu. Sa kabila na may mga alagad ng batas na puspusan kung dakpin ang mga pushers at kumpiskahin ang droga, mas marami naman ang mga pabayang awtoridad o corrupt na hinahayaang mawala (o sirain) ang mga ebidensiya. Nakapagngingitngit na ang pinaghirapang trabahuhin ng mga mabubuting alagad ng batas ay nauuwi lamang sa wala.

Ang NBI ay hindi lamang sa pagkakataong ito nalagay sa kontrobersiya. Ilang taon na ang nakararaan, natagpuan sa compound nito ang karnap na sasakyan na minamaneho ng isang agent. May naganap na pagsabog sa NBI ilang taon na ang nakararaan at nakapagtatakang paano naipasok ang mga bomba. Naging kontrobersiyal din ang marami nilang confidential agents na gumagawa naman ng kabalbalan at katiwalian.

Ngayo’y kagulat-gulat na siyam na kilo ng shabu ang nawawala sa NBI. Nakatatakot ang pangyayaring ito. Ang matibay na ebidensiyang magdidiin sa pusher ay wala na. Malamang na mapawalang-sala ang suspect sa pangyayaring ito at tiyak na kapag siya’y nakalaya, balik siya sa dating gawain – maghahasik ng lagim sa kabataan.

Gaano kaya kabilis maiimbestigahan ng NBI ang kanilang sarili? Kung ang malalaking kaso ay hindi nila malutas paano pa ang kanilang sarili. Bakit ba hindi karaka-rakang tunawin ang shabu at kailangang itinggal pa nang matagal na panahon sa NBI?

DEPUTY SHERIFF RODOLFO TOLEDANA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

DRUG SECTION

LEVERIZA ST.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

PASAY CITY

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

SANDRA LIM

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with