Ganoon man kahit na ganoon kahigpit, malaking katuwaan naman ang naging kapalit sapagkat nakatabi ko sa upuan si Michael Jordan. Hangang-hanga ako kay Jordan. Akalain nyo ang matagal ko nang pinapangarap na makita ng personal ay makakatabi ko pala sa eroplano. Hindi ko nakausap si Jordan sapagkat nilapitan na kami ng isang flight stewardess. Ang flight stewardess ay maganda, mas bata at higit sa lahat, mas matangkad sa titser ko. Sabi sa amin ng flight stewardess, "Fasten your belt please." Siyempre, mabilis akong sumunod pati ang mama ko pero nakita ko si Jordan na hindi nag-fasten. Kaya naman agad siyang nilapitan ng stewardess at sinabi, "Will you fasten your seat belt, please."
Nakangiting sumagot si Jordan, "Hindi kailangan ni Superman ng seat belt."
Agad din namang sumagot ang nagagalit na stewardess, "Hindi nangangailangan ng eroplano si Superman. Kaya maaari bang isuot mo ang iyong seat belt!"
Ngorkkk... ngorkkk...ngorrk!
"Hoy, Angelo, gising na! Tanghali na," sabi ng mama ko. Nagulantang ako. Panaginip lamang pala ang lahat. Agad kong ikinuwento kay Mama ang buong pangyayari.
Sabi ni Mama na nagpapayo, "Hindi dapat ipagmalaki at ipagkatiwala ninuman ang kanyang sariling lakas, kayamanan, katalinuhan o ang kanyang katanyagan. Itoy dapat lamang ipagkatiwala sa iisang makapangyarihan sa Lahat, ang May-ari ng Langit at Lupa, ang SIMULA at WAKAS!"