Editoryal - Marami nang inip sa Sayyaf
April 29, 2002 | 12:00am
Malapit nang mag-isang taon sa piling ng mga walang kaluluwang bandido ang mag-asawang Martin at Gracia Burnhams. Dinukot sila sa Dos Palmas resort sa Palawan noong May 27 2001. Hanggang sa kasalukuyan nananatiling malabo kung kailan mare-rescue ang mga bihag. Kasamang bihag ng mga Burnhams ang Pilipinang si Deborah Yap.
Hindi kaya ng Philippine military ang pamamayagpag ng mga bandido at lalo pang lumakas ang loob na nagsagawa pa ng mga pambobomba na ang pinakahuli ay ang pangyayari sa Gen. Santos City na 14 ang namatay at 60 ang nasugatan. Walang makitang pag-asa na mapuputol na ang sungay ng mga bandidong nagbigay ng katakut-takot na problema at kahihiyan sa bansa. Ilang bansa na ang nagbabala sa kanilang mga kababayan na huwag pumunta rito sa Pilipinas sapagkat delikado dahil sa kagagawan ng mga bandido.
Nang dumagsa ang mga Amerikano, dalawang buwan na ang nakararaan, marami ang umasang madudurog na ang mga bandidong Abu Sayyaf, subalit malaking pagkadismaya ang nangyari sapagkat nananatili pang nakatayo ang mga bandido at hawak pa ang tatlong bihag. Nakapagtataka na hindi kayang supilin gayong sinasabi na wala pang isang libong miyembro ang mga bandido. Gaano kadulas at kahusay ang mga bandido at hindi madakip gayong sopistikado ang mga kagamitan ng Kano? Walang makitang liwanag kahit narito na ang mga Kano. Patuloy na umaasa ang marami. Mauuwi rin yata sa bayaran ng ransom kaya mapapalaya ang mga bihag at hindi sa sigasig ng mga sundalong Pinoy at Kano.
Patuloy na nananakot ang mga bandido. Sa halip na bumahag ang kanilang buntot, sinabing ang makikita nilang Amerikano at Israelis ay kanilang pupugutan ng ulo. Hindi raw nila titirhan ng buhay ang mga ito. Sagot daw ito sa ginagawang paniniil ng mga Israelis sa mga Palestinians at sa pakikialam ng mga Kano sa Pilipinas dahil sa "Balikatan".
Marami ang nagtatanong kung kailan madudurog ang mga bandido. Bakit sa kabila na narito na ang mga Kano ay wala ring nangyayari at patuloy na umaalingasaw ang bayaran ng ransom gaya ng ginagawa ng pamilya ng mga Burnhams sa kasalukuyan. Isang palatandaan na mahina talaga ang military o sadyang pinatatagal lamang ang laban upang magkaroon ng dahilan para manatili muli rito ang mga Kano.
Nararapat mawala ang mga agam-agam na ito. Ang remedyo ay ang pagdurog sa mga Abu Sayyaf sa lalong madaling panahon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended