^

PSN Opinyon

Hawakan ang Aking kamay at sumunod

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Minsa’y nawawala tayo sa paghahanap ng isang lugar. Tayo’y humihinto at nagtatanong sa ibang tao upang bigyang-direksyon. Minsan ang mga direksyon ay malinaw. Subalit minsan naman ang mga direksyong ibinigay sa atin ay di-madaling masundan. Patuloy nating di-matagpuan ang lugar na ating hinahanap.

Tayong mga Kristiyano ay patungo sa Diyos. May isang nagmula sa langit na naparito upang tayo’y tulungang makarating sa ating nararapat na paroonan. Sa ikalimang Linggong ito ng Pagkabuhay na mag-uli, sinasabi sa atin ng ating Panginoon na siya ang magdadala sa atin sa Ama (Jn. 14:1-12).

"‘Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.’ Sinabi sa kanya ni Tomas, ‘Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano namin malalaman ang daan?’ Sumagot si Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.’

"Sinabi sa kanya ni Felipe, ‘Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.’ Sumagot si Jesus, ‘Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: "Ipakita mo sa amin ang Ama"? Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: Ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: Ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama.’"


Kaybuti ng Panginoon! Sinasabi niya sa atin, "Kunin mo ang aking kamay. Dadalhin kita sa Ama." Subalit paano natin kakapitan o hahawakan ang kamay ni Jesus? Ito’y magagawa sa pamamagitan ng pagdarasal. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Ebanghelyo. Sa bawat bahagi ng Ebanghelyo, maging ito man ay kay Juan o sa iba pang Ebanghelista, makikita natin si Jesus na iniaabot sa atin ang kanyang kamay. Subalit kailangang hawakan o kapitan natin ang kanyang kamay. Kailangang hayaan natin si Jesus na akayin tayo. Ang kanyang kamay at ating kamay na magkahawak.

AKO

AMA

ANG AMANG

DIYOS

EBANGHELYO

FELIPE

KAYO

PANGINOON

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with