^

PSN Opinyon

Editoryal - Walang kaluluwa!

-
MGA kawawa at walang malay na sibilyan na naman ang pinatay ng mga duwag! Ang pagsabog ng bomba sa General Santos City noong Linggo ng hapon ay walang ipinagkaiba sa pangyayari noong Dec. 30, 2000 bombings sa Metro Manila na marami ang napatay at karamihan ay mga bata. Nagkalasug-lasog ang katawan ng 13 biktima at natigmak ng dugo ang pinto ng GenSan FitMart nang sumabog dito ang bomba na pinaniniwalaang inilagay sa isang nakaparadang tricycle. Nakapaninindig ng balahibo ang iyakan ng mga kamag-anak ng biktima. Mas nakalulunos ang tanawin na may bahagi ng katawan ng mga biktima na nagkalat sa lugar. May 60 ang nasugatan sa pambobomba. Makalipas ang ilang minuto, dalawang bomba pa ang sumabog subalit walang nasaktan. Sunud-sunod pa ang pagkakatagpo sa mga bomba sa iba’t ibang lugar.

Isang oras makalipas ang pambobomba, isang miyembro ng Abu Sayyaf ang tumawag sa isang radio station at inako ang malagim na pambobomba. Ayon sa tumawag, minamaliit umano ng General Santos Mayor ang kanilang grupo. Umano’y

marami nang ginagawang pagbabanta ang grupo subalit minamaliit ng pulisya sapagkat nananakot lamang umano. Umano’y may nagbanta na sa text tungkol sa pagsabog ng bomba subalit hindi pinansin. Pinaghihinalaan ng pulisya na ang mga nagsagawa ng pambobomba ay ang Indinegenous People’s Federal State Army na humihiling ng pagbubuo ng federal states para sa Christian at Muslims.

Maging Abu Sayyaf man, IPFSA, Pentagon, MILF at MNLF o ibang grupong terorista ang may kagagawan sa karumal-dumal na pambobomba, sila ay mga kaluluwa na ang kayang patayin ang walang labang sibilyan. Totoong mga duwag na dapat durugin sakaling mahuli.

Hindi rin masisisi ng mga taga-GenSan na sisisihin ang kahinaan ng mga pinunong lokal doon at pulisya sa pagpapabaya at hindi pagpansin sa mga pagbabanta. Kung gumawa agad sila ng hakbang nang i-text ang bantang pambomba, hindi sana nangyari ang malagim na pagsabog. Ngayong nangyari na ang pagsabog saka lamang sila kikilos. Isa na namang ugaling ningas-kugon na kung kailan may namatay saka naghihigpit.

Pagsikapan sana ng mga awtoridad na mahuli ang mga walang kaluluwang nambomba. Panibagong saksak na naman ito sa imahe ng Pilipinas at katatakutan na naman ng mga turista at investors. Dakpin ang mga hayop sa lalong madaling panahon! Pagbayarin sila sa kasalanan.

ABU SAYYAF

AYON

FEDERAL STATE ARMY

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS MAYOR

INDINEGENOUS PEOPLE

MAGING ABU SAYYAF

METRO MANILA

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with