^

PSN Opinyon

Editoryal - Nagtaas ng rate pero walang tubig

-
Maraming illegal connections, wasak na tubong nagpupuslit nang napakaraming tubig, reklamo ng mga consumers sa hindi magandang serbisyo at marami pang iba. Iyan ang nakikita ngayon makaraang magtaas ng singil sa tubig ang Maynilad Water Service Inc. at Manila Water Co. Ang pinakamatindi ay ang reklamong marami ang nagbabayad subalit hindi naman makasapat ang lumalabas na tubig sa kanilang mga gripo. May mga lugar na mas marami pang hangin ang lumalabas sa gripo kaysa sa tubig. Hangin ang ibinuga na nagpaikot lamang sa metro kaya malaki ang binabayaran. Marami ang nagbayad sa hangin.

Sunud-sunod ang ginawang pagtataas ng dalawang kompanya ng tubig mula nang masa-pribado noong 1998. Ang Maynilad ay nagtaas ng kanilang rates ng 135 percent mula sa P6.58 per cubic meter nitong nakaraang Marso. Nag-charge sila ng average tariff na P15.46 per cubic meter. Noong October 2001 ay nagtaas na sila ng singil at sinundan uli noong January 1, 2002.

Ang Manila Water naman sa kabila na marami ring reklamong ipinababatid at hindi matugunan ang mahusay na serbisyo sa consumers ay nag-charge naman ng average tariff na P6.75 per cubic meter, mas mataas ng ilang sentimo sa karibal nilang MWSI.

Sa maraming lugar sa Metro Manila ay karaniwan na lamang ang mga tumatagas na tubig mula sa mga wasak na tubo. Ang tubig na ito ang nagwawasak sa mga kalsada at pinalulubak na nagiging dahilan para magkaroon ng trapik. Ang nakapagtataka, sa kabila na maraming ulit nang inirereklamo ang mga leak ay wala pa ring aksiyon ang mga taga-MWSI at Manila Water.

Maraming tinatanggap na reklamo ang pahayagang ito (pawang nalalathala sa Dear Editor column) tungkol sa hindi magandang serbisyo ng dalawang kompanya ng tubig. Ang ilan ay ang mahinang tulo sa kanilang gripo sa kabila na nagbabayad naman sila ng tama at ang mga hindi naaasikasong leak na nagiging dahilan para humina ang pressure. Marami ang nasasayang na tubig sa kalsada at sa tingin ng mga nagrereklamo, walang pakialam ang mga namamahala kung magbaha man samantalang marami ang humihiyaw na bigyan sila ng tubig sa kanilang pamamahay.

Sa darating na July ay magtataas na naman umano ng singil sa tubig ang dalawang kompanya. Panibagong pasang krus sa consumers. Sana nama’y maging makatwiran ang pagtataas. Kung okey sa serbisyo, walang magrereklamo. Pagbutihin sana ang serbisyo sa publiko ng dalawang kompanya. Hindi hangin kundi tubig sa gripo ang ibigay.

ANG MANILA WATER

ANG MAYNILAD

DEAR EDITOR

MANILA WATER

MANILA WATER CO

MARAMI

MARAMING

MAYNILAD WATER SERVICE INC

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with