^

PSN Opinyon

Mga bataan ni Gen.Mendoza na na-promote di kaya nahihiya?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SANGKATERBANG reaksiyon ang ating tinanggap ukol sa ginawa kong pagbubulgar sa palakasan system na pag-promote ng mga close aides ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Leandro Mendoza dahil sa madugong May 1 rally noong nakaraang taon. Marami ang tumapik sa aking balikat, sa likod at mga bumati na nasiyahan sa aking ginawa dahil matagal na palang umiiral ang sistemang ito at demoralisado na ang hanay ng pulisya dahil sa hindi magandang pamamalakad ni Mendoza.

Hindi sa nagbubuhat ako ng sariling bangko subalit may mga tumawag din sa telepono at nagpadala ng text messages na hinihikayat akong isulong pa ang hinaing ng mga pulis na naapakan ng mga bataan ni Mendoza para madilat ang kanyang mga mata at matauhan at di na maulit pa ang naturang maling sistema. Marami sa mga pulis na nakusap ko ang nagtatanong kung hindi kaya nahiya sa sarili itong mga bataan ni Mendoza na na-promote sa hindi nila trabaho?

Paano nila makukumbinsi ang mga asawa at pamilya nila na magbunyi sa pagtaas ng kanilang ranggo eh alam naman nilang nasa bahay sila o nasa loob ng air-conditioned nilang opisina sa Camp Crame nang maganap ang May 1 rally? Sa 108 na pulis na na-promote noong May 1 rally, anim pa lang ang nakilala ng mga nagrereklamong pulis na mga bata ni Mendoza. Sila ay sina Chief Inspector Camilo Cascolan at Mario Ramos, Senior Inspectors John Atela at Eduardo Chico Jr., at SPO4s Benjamin Liggayu at Alejandro Andrade.

Si Cascolan ay naka-assign sa opisina ni Mendoza habang si Ramos ay nakatalaga sa PNP band. Si Atela ay security officer ng PNP chief, si Chico ay na-assign sa Firearms and Explosive Division (FED), si Liggayu ay sa Base Police at si Andrade ay motorcycle escort ni Mendoza. He-he-he! Sorry na lang mga ’igan.

May halong pandaraya rin ang ginawang promotion nitong mga bataan ni Mendoza dahil nagpanggap silang mga miyembro ng National Capital Regional Police Office (NCRPO). Naloko o nalinlang nila ang lahat ng mataas na opisyales ng PNP at pati na si Presidente Gloria Arroyo, di ba mga suki? Kung tatanungin n’yo ang taga-Camp Crame ang ganitong paraan para ma-promote ay tinatawag na ‘‘singit’’ system. Nangyari rin ang ganitong sistema noong kainitan ng ‘‘Kuratong Baleleng’’ na nauwi sa disgrasya dahil bumaligtad ang pangyayari at imbes na ma-promote ang mga mahilig sumingit ay nakasuhan pa. Dapat sigurong kasuhan din ni GMA at ipa-demote itong mga bagong promote na bataan ni Mendoza para hindi na sila pamarisan pa ng iba, di ba mga suki?

May bayag kaya si Mendoza na irekomenda ito kay GMA? Tanong lang. Paano i-sustain ng mga bataan ni Mendoza ang kanilang promotion eh maliwanag na wala sila sa Malacañang noong kainitan ng rally? Wala rin silang pakialam sa crowd dispersal and management (CDM) na sumabak sa mga Erap loyalists. Natuwa ang mga pulis nang dalawin sila at pangakuan ni GMA na i-promote sila dahil sa ipinakitang loyalty sa kanyang administrasyon noon. Pero nauwi ang kasiyahan nila sa kalungkutan dahil nasingitan sila sa promosyon ng mga bataan ni Mendoza. Habang nagbabanta ang mga Erap loyalists na gugunitain nila ang madugong May 1 rally, hindi maganda sa gobyerno ni GMA na may hinanakit at demora-lisasyon sa hanay ng ating pulisya.

ALEJANDRO ANDRADE

BASE POLICE

BENJAMIN LIGGAYU

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR CAMILO CASCOLAN

DAHIL

EDUARDO CHICO JR.

ERAP

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with