^

PSN Opinyon

Oks na oks ang absentee voting at dual citizenships

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MUKHANG desidido na ang mga senador at mga kongresista na ipasa na ang Absentee Voting bill na matagal nang natatakpan ng alikabok sa Kongreso. Kababalik lamang sa bansa ng isang delegasyon ng mga mambabatas sa pangunguna nina Senate President Franklin Drilon at Senator Edgardo Angara. Nakipagtalakayan sila sa iba’t ibang grupo ng mga Pilipino sa Amerika at iba pang lugar. Maganda umano ang kinalabasan ng kanilang pakikipagtalakayan sa mga lider ng Filipino communities. Lumalabas na makakabuti sa Pilipinas at sa mga overseas Filipinos na maisakatuparan ang nasabing panukala.

Kaalinsabay ng absentee voting bill ang pagbibigay ng karapatan sa mga overseas Filipinos ng dual citizenship. Ang gustong sabihin nito ay maaari pa ring maging Pilipino ang mga kababayan natin sa ibang bansa kahit na naging naturalized citizen na sila ng bansang kinaroroonan nila. Hindi katulad ngayon na kailangang iwanan nila ang pagiging Filipino upang maging citizen sila ng lugar na tinitirhan o pinagtatrabahuhan nila sa kasalukuyan.

Tiyak na matutuwa ang ating mga kababayan na maaaring napilitan lamang na lumisan ng ating bansa at mangibang-bayan upang magkaroon ng pagkakataon na makakita ng mahusay-husay na hanapbuhay. Ang karapatang bumoto at makasali sa pagpili ng mga mamumuno ay masayang tatanggapin ng mga Filipino overseas hindi lamang ng mga contract workers sapagkat kahit na papaano malaki pa rin ang interes nila sa Pilipinas dahil ito ang kanilang lupang tinubuan.

Maaprubahan kaagad sana ang mga panukalang batas sapagkat maraming kapakinabangan ang makakamtan ng ating bansa at mamamayan.

ABSENTEE VOTING

AMERIKA

DRILON

KAALINSABAY

KABABALIK

KONGRESO

PILIPINAS

PILIPINO

SENATOR EDGARDO ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with