Turuan ang maybahay
April 11, 2002 | 12:00am
SI Mang Senting ay naging matagumpay sa pagsasaka dahil sa kanyang asawang si Maring. Kaya ang kasabihan sa nayon, "Kung gustong magtagumpay sa pagsasaka, unahing turuan ang misis ng magsasaka."
Hindi ko makuha ang gustong sabihin kaya naging makulit ako at laging binibisita si Mang Senting sa bahay nito at aking inalam kung bakit ang maybahay ay kailangang unahing turuan para magtagumpay.
"Bigyan mo nga ako ng halimbawa, Mang Senting," samo ko.
"Tingnan ninyo ang makabagong palayan. Walang magsasaka ang aagaw sa ani na tataas mula sa 40 kaban bawat ektarya patungo sa 120 kaban bawat ektarya. Tatlong beses ang itataas na ginhawa. Pero maraming ibig sabihin iyan. Kasama riyan ang bagong binhi, hustong pataba, pamatay sa mga kulisap at pagsugpo sa damo. Gusto ito ng magsasaka dahil ang resulta ay mas mataas na ani at mas malaking kita. Ngunit bawat isang makabagong hakbang ay katumbas ng karagdagang pera."
"Ano ang kaugnayan ng iyong sinabi sa pagtuturo sa asawa mong si Maring?"
"Simple lang, Doktor. Sa nayon, ang may hawak ng pera ay ang asawang babae. Kung hindi payag si Maring sa karagdagang gastos sa pagsasaka, wala ring mangyayari. Kaya dapat unahin si Maring na turuan at kumbinsihin."
Nakuha ko na ang ibig sabihin at isinulat ko sa kuwaderno ang aking nalaman upang hindi malimutan. Ang leksyon ay simple. Pag tinuruan si Mang Senting, dapat turuan si Maring para ang resulta ay magaling. Ang babae ay kaagapay ng lalaki para magtagumpay sa anumang larangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended