^

PSN Opinyon

Indigenous ek-ek pahirap sa masa

SAPOL - Jarius Bondoc -
KUNG may dapat sisihin sa lalong lalalang kahirapan sa Mindanao, walang iba kundi ang Indigenous People’s Federal State Army. Ito ‘yung nag-iiwan ng mga bomba sa iba’t ibang parte ng Metro Manila, Cotabato at General Santos. Ipinaglalaban daw nito ang federalism, kaya nagpapa-pansin.

Hayan, napansin na nga. Binalaan na ng British government ang mamamayan nito na huwag bibiyahe sa Pilipinas, lalo na sa Mindanao. Nauna nang nagbabala ang US, Japan at Singapore. Malamang sumunod ang iba pang bansa. Lalong walang turismo sa Mindanao, na magbibigay sana ng hanapbuhay. Lalong iiwas ang investors, na magbibigay sana ng trabaho.

Ano ba itong federalism na kailangan pang ipagtanim ng bomba para matupad? Hangad sa federalism na hatiin ang Pilipinas sa pitong federal states. Walang pinagkaiba sa states ng Malaysia, Germany o US. Bawat isa may sariling mga batas at patakaran na naaayon sa kultura ng state. May sariling Kongreso at pulis. Pero nasa ilalim pa rin ng national government ang defense, BIR, foreign affairs.

Matagal na itong isinusulong ng mga pulitiko –mula kina Pelaez, Salapudin at Canoy hanggang kina Joe de Venecia, Nene Pimentel at John Osmeña. Pero hindi sila nagtatanim ng bomba. Nilalayon lang nila ang pag-amiyenda sa Saligang Batas.

Ito namang Indigenous People’s ek-ek, ipinaglalaban kuno ang mga Muslim, Kristiyano at Lumad sa Mindanao. Pero halata mong may ibang pakay sa pagpapapansin. Nagsimula magtanim ng bomba nu’ng Marso 18. Anibersaryo ng pagtatag sa Moro National Liberation Front. Pero sumanib na sa gobyerno ang dating secessionist group. MNLF leader nga ang governor ngayon ng Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Halata tuloy na isang paksiyon ng MNLF ang nagpapanggap ng Indigenous ek-ek. Paksiyon na nakakulong ang lider dahil sa panggugulo bago mag-ARMM elections nu’ng Nobyembre. Salamat sa pahirap n’yo.

AUTONOMOUS REGION

FEDERAL STATE ARMY

GENERAL SANTOS

INDIGENOUS PEOPLE

JOHN OSME

LALONG

METRO MANILA

MINDANAO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with