^

PSN Opinyon

Mahirap kapag malaki ang kita

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Ang pagkakatuklas sa bagong uri ng kamatis ay malaki ang naibigay na tulong sa mga magsasaka. Malaki ang kanilang kinikita kapag nabenta ang kamatis.

Maganda ang bagong uri ng kamatis dahil tumutubo kahit hindi panahon. Hindi ito nabubulok kung tag-ulan hindi tulad ng lumang uri ng kamatis. Makapal ang balat nito kaya hindi pinapasok ng tubig-ulan. Dahil inaani pag hindi panahon, ang presyo ay mataas.

Pero nagtaka ako sa magsasakang si Pakoy kung bakit hindi na siya nagtanim ng bagong uri ng kamatis gayong malaki ang kinita niya noong nakaraang taon. Itinanong ko kay Mang Senting ang dahilan.

‘‘Hindi ko naunawaan, Mang Senting kung bakit tumigil si Pakoy gayong malaki ang kinita niya.’’

Umiling-iling si Mang Senting. Lumapit ito sa akin na parang sekreto ang sasabihin.

‘‘Huwag mong sasabihin kahit kanino, Doktor.’’

‘‘Peks man hindi ko ibubulgar,’’ sagot ko.

‘‘Nang nakaraang taon ay sampung doble ang kinita ni Pakoy sa bagong kamatis. Nang ang balita ay kumalat sa lahat ng kanyang kamag-anak at kaibigan ay inulan siya ng bisita sa bahay. Lahat ay nangungutang ng pera o humihingi ng balato. Mas malaki pa ang naipautang at naipamigay niya kaysa kanyang kinita. Nang hindi niya mabigyan ang iba ay nagalit sa kanya at lumabas na masama siyang tao. Kaya ngayon, ayaw na niyang kumita nang malaki. Mabuti raw na maliit ang kita dahil tahimik ang kanyang buhay."

DAHIL

DOKTOR

HUWAG

ITINANONG

KAMATIS

KAYA

MANG SENTING

NANG

PAKOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with