^

PSN Opinyon

Tama na naman si Ka Berong

- DOON PO SA NAYON Sen. Juan M. Flavier -
Sa unang tingin ay hindi aakalaing isang albularyo si Ka Berong. Tahimik siya na kung hindi kausapin ay hindi magsasalita. Bukod sa pagiging albularyo siya ay isa ring magsasaka at mahusay ding karpintero.

Ang pagkakilala ko sa isang albularyo ay matanda, nakasalamin, ngumunguya ng nganga, may panyong nakabalot sa ulo, naka-kamisa Tsino at naka-bakya. At laging atrasado sa anumang usapan. Ni isa sa mga palatandaang ito ay wala si Ka Berong.

Narinig ko ang tungkol sa panggagamot ni Ka Berong sa isang taga-nayon.

‘‘Maaari ko bang anyayahan si Ka Berong sa aking opisina? Gusto ko siyang makakuwentuhan," pakiusap ko.

‘‘Pupuntahan ko siya Doktor at sasabihin ko ang anyaya n’yo,’’ sabi ng mabait na taga-nayon.

Isang Sabado ng umaga ay dumating si Ka Berong. Ang usapan namin ay alas-diyes ng umaga pero alas otso pa lamang ay nasa opisina ko na siya. Isang palatandaan na sabik siyang makipagpulong sa akin. Kasingsabik ko rin na makilala siya.

Pagkatapos ng kumustahan, tinanong ko kung maaaring malaman ang paraan ng kanyang panggagamot.

‘‘Gusto mong matuto sa akin Doktor?’’ tanong nito.

‘‘Totoo iyon, Ka Berong. Gusto kong magpalitan tayo ng kuro-kuro at higit ay ng kaalaman.’’

Nagkuwentuhan kami at nagkahulihan ng loob. Hanggang sa dakong huli ay may sinabi si Ka Berong.

"Meron lang akong napapansin Doktor sa pagitan ng albularyong tulad ko at ng doktor na tulad mo. Pag hindi ko kayang gamutin ang pasyente e ipinadadala ko sa inyo. Pero ba’t pag hindi n’yo kayang gamutin ay hindi n’yo ipinadadala sa akin.’’

Hindi ako nakapagsalita. Tama nga siya.

BERONG

BUKOD

DOKTOR

HANGGANG

ISANG

ISANG SABADO

KA BERONG

KASINGSABIK

MAAARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with