^

PSN Opinyon

Si Col. Sacramento, ang dalawang K-9 at ang lalaking 'kamukha' niya

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NANG maupong hepe ng Eastern Police District (EPD) si Senior Supt. Rolando Sacramento, may lalaking kamukha niya na ang unang ginawa ay ipatawag ang lahat ng gambling lords sa sakop niya. Ang balita ko, kinausap ng lalaking kamukha ni Sacramento ang lahat ng gambling lords sa apat na bayan at siyudad ng EPD at inatasan sila na wala silang dapat bigyan ng biyaya kundi ang isang SPO3 Rafael ‘‘Paeng’’ Palma at dalawang K-9 na asong alaga niya.

Mukhang sa ngayon, ang natitirang masaya sa kaharian ng Sacramento ay ito ngang lalaking kamukha niya at ang dalawang K-9 na matataba na. Samantalang ang iba namang opisyal ng pulisya ay nangangayayat na at palaging nakikitang nagdarasal at nagtatanong kung kelan naman sila matapunan kahit kapiraso ng tinatamasang grasya ng kamukha ni Sacramento at ng kanyang dalawang K-9. Mamumuti ang mga mata n’yo wala kayong aasahan, ’yan ang aabutin ng mga umaasang opisyal ng EPD kung mga pulis na dating kasamahan ni Sacramento ang paniniwalaan natin.

Sinabi ng mga nakausap ko na umaabot sa P300,000 kada linggo ang kinokolektang intelihensiya ni Palma. Ewan ko kung kanino ini-remit ni Palma ang salapi, dito kay Sacramento o sa lalaking kamukha niya. He-he-he! Wala talaga kayong pagbabago o makapal talaga ang mga mukha n’yo, mga Sirs. Malakas din kaya tulad ni Sacramento kay House Speaker Jose de Venecia itong lalaking kamukha niya? Dapat paimbestigahan ni Dir. Edgar Aglipay, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) itong lalaking kamukha ni Sacramento at dalawang asong K-9 para mabulgar ang illegal na gawain nila bago maging buto’t balat na ang mga opisyales ng EPD, di ba mga suki?

Ang dalawang K-9 ay palaging nakikita sa opisina ng Intelligence at District Police Intelligence and Operations Group (DPIOG) ng EPD, anang mga nakausap kong pulis. Paimbestigahan din ni Aglipay itong mga bagong pulis na galing pa sa probinsiya dahil palaging nakabubulahaw ang mga sigaw nila sa second floor ng annex building sa Ultra. Mukhang nasiraan na ng bait ang mga kawawang pulis dahil sa sobrang gutom. Palaging walang damit ang mga bagong pulis doon at minumura si Sacramento sa kadahilanang sila lang ang nakaaalam. Di ba bawal magmura sa superior officer, Gen. Aglipay Sir. Dapat parusahan itong mga bagong pulis kung nagkasala man para hindi na pamarisan pa ng iba.

Pero ano itong nabalitaan ko na kaya pala nagsisigaw itong mga bagong pulis ay hindi dahil nasiraan sila ng bait kundi dahil sa sobrang gutom. Hindi pa pala nila nakukuha ang additional subsistence allowance (ASA) at hazard pay nila ng ilang buwan at wala na silang makain. Baon na rin sila sa utang. Hindi lang ’yan. Ang mga pangalan umano nila sa listahan ng mga tatanggap ng allowance ay na-snowpake pa. Hindi na makatarungan itong nalalasap nila, di ba mga suki ibalik n’yo kami sa probinsiya, ’yan ang palaging pagtatapos nila. Abangan!

AGLIPAY SIR. DAPAT

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE AND OPERATIONS GROUP

EASTERN POLICE DISTRICT

EDGAR AGLIPAY

HOUSE SPEAKER JOSE

ITONG

KAMUKHA

MUKHANG

SACRAMENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with