^

PSN Opinyon

Mga propagandista ni GMA nagkakagulo

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Kapansin-pansin ang malaking pagbabago ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa pagharap sa publiko sa pamamagitan ng telebisyon at radyo. Malumanay at mapang-akit ang kanyang pananalita ngayon. Para bagang nagmamakaawa at nagpapahiwatig na siya ay may mabuting kalooban at mapagkakatiwalaan na parang isang ina ng mga Pilipino.

Marami ang nanibago kay GMA. Dati nga naman ay may katarayan ang dating nito.

Ayon sa mga nasagap kong balita, kinailangang baguhin ang imahen ni GMA mula sa pagiging mataray upang sa ganoon ay makuha nito ang simpatya at suporta ng masa. Ito ang isang naisip na paraan ng mga propagandista ni GMA upang maagaw ang lakas ng masa kay Erap.

Marami pang pagbabago sa mga publicity at propaganda kung papaano makikitungo si GMA sa publiko sa pamamagitan ng media. Ito ang dahilan kung bakit may kaguluhang nagaganap sa pagitan ng mga opisyal at mga tauhan ni GMA na may kinalaman sa press, information at media. Isang masasabing biktima ng kaguluhan ang papaalis na Press Secretary Noel Cabrera.

Marami pa umanong kaguluhan at hindi pagkakaunawaang magaganap kina incoming Press Secretary at Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, Presidential publicist Dante Ang at sa bagong pasok sa eksenang si Dodie Limcaoco. Sabi ng mga miron, iba’t iba ang kanilang mga ideya at may kanya-kanyang mga personal na agenda at interes ang mga ito kung kaya’t hindi maiiwasan ang pagkakagulo. Baka naman kailangan pa ng isang referee para sa mga ito?

AYON

DANTE ANG

DODIE LIMCAOCO

MARAMI

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

PRESS SECRETARY

PRESS SECRETARY NOEL CABRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with