Editoryal - Isalba ang Comelec
March 19, 2002 | 12:00am
NGAYON lamang nangyari na ang Commission on Elections (Comelec) ay nalagay sa matinding kontrobersiya. Niyanig ng pagbabangayan ng mga commissioners at walang palatandaan na huhupa ang gulo rito. Umaalingasaw ang batuhan ng putik at sa halip na magampanan ang kani-kanilang mga tungkulin, ang pagsangga at pagdepensa ang kanilang iniintindi. Isang mabigat na problema na kung hindi kikilos si President Gloria Macapagal-Arroyo ay tuluyang guguho ang Comelec.
Noong nakaraang taon pa nagsimula ang kaguluhan sa Comelec bagay na naglagay sa balag ng alanganin sa kinabukasan ng mga bagong botante na makaboto noong May 11, 2001 elections. Dahil sa kakulangan ng impormasyon, hindi nakapagpatala ang maraming kabataan at nasayang ang kanilang karapatan. Wala silang sinisisi sa pangyayari kundi ang pagbabangayan ng mga Comelec commissioners.
Ngipin sa ngipin ang labanan ng mga commissioners sa Comelec. Patuloy na nagsisikmatan si Comelec Chairman Alfredo Benipayo at Commissioner Luzviminda Tancangco. Kampo-kampo na ang labanan. Si Benipayo at ang dalawa pang commissioners ay ini-appoint ni GMA samantalang si Tancangco at tatlo pang kasamahang commissioners ay ini-appoint ni dating President Estrada.
Mahigpit na tinutulan nina Tancangco et al ang appointment ni Benipayo. Sari-saring masasamang balita ang lumabas kay Benipayo. May kabit umano ito, may naanakang estudyante at numero unong kumukontra sa balak na modernization ng Comelec. Bumigwas din sina Benipayo et al kina Tancangco at kung anu-anong putik ang naglabasan. Mababaho. Umaalingasaw.
Wala nang ginagawa ang mga commissioners at ang pagbabangayan ang inaatupag. Kung patuloy silang magbabangayan, lalo nang lumalabo ang pag-asang maging moderno ang Comelec at hindi makatitikim ng malinis na election.
Na kay GMA ang huling baraha upang maisalba ang Comelec. Ngayon pa lamang ay dapat na niyang pag-isipan kung ire-reappoint niya si Benipayo. Dapat maging matalino si GMA sa pagkakataong ito. Kung muli niyang ibabalik si Benipayo, wala nang katapusan ang gulo at tiyak na guguho ang Comelec. Panahon na para magkaroon ng pagbabago rito. Ilagay ang mga officials na magbabago sa imahen ng nasisirang Comelec. Piliin yung mga magtatrabaho at hindi sisira sa poll body.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended