^

PSN Opinyon

Dapat igalang ni Erap ang ating hukuman

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Pagkatapos batikusin ni dating President Estrada ang integridad ng Sandiganbayan, ang Korte Suprema naman ngayon ang kanyang binabatikos. Ang Korte Suprema ang pinakamataas at iginagalang na hukuman sa ating bansa. Pinakapipitagan ang karunungan, kakayahan ng mga miyembro nito na panatilihin at itaguyod ang hustisya ayon sa nasasaad sa batas. Nakalulungkot na ang dating Presidente ng bansa ay may pag-aagam-agam sa hustisya sa ating bansa. Bilang dating Presidente, dapat lamang na igalang niya ang hukuman na kanyang itinaguyod noong panahon ng kanyang pamumuno.
* * *
Ang Marso ay Anti-Rabies Consciousness Month. Noong ako ay isa pang kongresista, masugid kong isinulong sa pamamagitan ng panukalang batas ang pagkakaroon ng National Rabies Vaccination Program, isang malawakang programa ng pamahalaan upang masugpo ang nakamamatay na rabies.

Taun-taon, patuloy na tumataas ang bilang ng mga biktima ng rabies. Naghihinagpis ang mga pamilya ng biktima dahil sa kamahalan ng gamot dito. Kalimitan, mataas ang bilang ng mga biktima sa mga probinsiya kung saan wala pa masyadong kaalaman ang mga residente sa maaaring epekto nito. Sa isang survey, napag-alaman na ang Pilipinas ang may pinakamataas ng bilang ng biktima ng rabies sa Asya.

Ang pagsugpo ng mapanganib na kagat ng aso ay maaari nating maiwasan sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga alagang aso sa bakuna laban sa rabies. Makipag-ugnayan sa Bureau of Animal Industry upang madagdagan ang kaalaman sa rabies para mabigyan ng proteksiyon ang ating pamilya.

ANG KORTE SUPREMA

ANG MARSO

ANTI-RABIES CONSCIOUSNESS MONTH

ASYA

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

KORTE SUPREMA

NATIONAL RABIES VACCINATION PROGRAM

PRESIDENT ESTRADA

RABIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with