^

PSN Opinyon

Editoryal - Hindi dapat mangibabaw ang awa

-
Sa nangyayaring krisis-pulitika sa bansa, na pinaapoy ng ma-kontrobersiyang kaso ni dating President Estrada, isa lamang ang dapat maging panindigan ng gobyerno, sundin kung ano ang batas at hindi dapat manaig ang awa. Kahit na ano pa ang gawin ng nasasakdal na si Estrada, hindi dapat maging malambot ang gobyerno at patuloy na ipatupad ang proseso ng batas para lumabas ang katotohanan. Sa ganitong paraan lamang makikita na hindi nire-railroad ang kaso at lahat ay pantay-pantay sa hustisya. Nagtatagumpay si Estrada na guluhin ang sistema ng hukuman makaraang paratangang hindi nagiging parehas sa pagdinig ng kanyang kaso. Inaakay na ng kanyang mga pagpapaawa ang mga mahihirap para dumagsa sa kalsada at sumigaw ng "katarungan kay Erap".

Sunud-sunod ang nililikhang problema at laganap ang tensiyon na may kaugnayan sa kaso ni Estrada. Kahapon ay nagkaroon ng hearing sa Sandiganbayan at patuloy pa ring sinabi ni Estrada na hindi na siya naniniwala sa integridad ng Korte at patuloy din niyang tinanggihan ang mga abogadong iniaalok ng gobyerno. Itinakda sa Abril ang muling pagdinig sa kanyang kaso.

Noong Miyerkules ay kakatwang nagbago ng tono ng pananalita si Estrada at sinabing naniniwala na siya sa justice system at maaari niyang pabalikin ang kanyang mga abogado upang ipagpatuloy ang trial ukol sa kanyang kasong plunder at iba pa. "Naniniwala ako sa ating justice system subalit hindi sa mga taong nagpapatakbo nito," sabi ni Estrada. Hiniling niya ang pagbibitiw ni Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. at nina Associate Justices Artemio Panganiban at Antonio Carpio.

Sa tono ni Estrada ay hindi maikakailang may bahid pananakot o pamba-blackmail. Dinadala na kung saan-saan ang kaso at iisa ang iisipin na sadyang gustong tumagal ang pagdinig. Hindi lamang si Estrada ang tahasang bumabatikos sa judicial system kundi pati na rin ang kanyang asawang si Sen. Loi Ejercito.

Marami ang nangangamba na sa patuloy na pagbatikos at pagmamarakulyo o pagpapalabas ni Estrada ay magiba ang Malacañang at pumayag nang ma-exile o kaya’y ipagamot ang may deperensiyang tuhod ni Estrada. Kinatatakutang makipag-compromise ang Malacañang sa bumagsak na Presidente upang maiwasan na ang kaguluhan. Masama kung ganyan ang mangyayari. Kung papayag o maaawa ang Malacañang, isa itong pagkakanulo sa tiwala ng taumbayan. Walang exile at pakikipag-compromise na dapat mangyari kay Estrada.

ANTONIO CARPIO

ASSOCIATE JUSTICES ARTEMIO PANGANIBAN

ESTRADA

LOI EJERCITO

MALACA

NOONG MIYERKULES

PRESIDENT ESTRADA

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with