^

PSN Opinyon

Trial ni Erap i-televise na

SAPOL - Jarius Bondoc -
IMPORMASYON ang batayan ng matalinong pasya’t kilos. At telebisyon ang pinaka-mabisang tulay ng impormasyon sa publiko.

Impormasyon ang kailangan ng taumbayan tungkol sa tunay na nagaganap sa maliit na silid ng Sandiganbayan na pinaglilitisan kay Joseph Estrada sa kasong plunder. At telebisyon ang solusyon dito. Dapat nang i-televise ang Erap trial.

Tinanggihan ito nu’ng una ng Sandiganbayan. Baka raw maabala ang proceedings. Baka magpasikat lang ang mga abogado. Baka umalma ang taumbayan sa ebidensiya at madala ang justices sa sentimiyento, lugi naman ang akusado.

Pero malaki ang pinagbago ng sitwasyon mula nang isakdal si Erap nu’ng Hunyo. Sinibak niya ang siyam na defense lawyers (pero tuloy ang tatlo sa pag-defend kay coaccused na anak na si Jinggoy). Ayaw niyang tanggapin ang in-assign ng Sandiganbayan na public at private defenders. Inakusahan pa niya ang justices ng bias. At nagbababala ang spokesmen niya na magra-riot muli ang loyalists kapag natunugan ang pagkakait ng hustisya.

Dahil dito, dapat siguro repasuhin ng justices ang pasya. Kung iti-TV ang trial, magpapakatino lahat ng kasali. Mag-iingat ang prosecutors sa pagpresenta ng ebidensiya; walang pakulo. Kakapit ang mga testigo sa katotohanan, di lang dahil sa sumpa kundi dahil nanonood ang madla. Sisikapin ng justices na ipagtanggol ang karapatan ng akusado, lalo na’t wala itong abogado. TV ang gagarantiya ng mabilis at patas na trial kay Erap. Impormasyon mula sa TV naman ang pagbabatayan ng madla kung patas nga ba o dapat ibasura ang magiging pasya.

Dapat na ring ipalabas ang footages ng trial simula nu’ng Hunyo. Pina-video ito ng justices para ipalabas sa huli. Pero, ngayon na, nang malaman ng madla kung inapi o hindi si Erap simula’t simula pa.
* * *
Anong computer courses ang in-demand ngayon para makakuha ng trabaho? Alamin sa Linawin Natin, mamayang gabi, 11:30, sa IBC-13.

ALAMIN

ANONG

DAPAT

ERAP

HUNYO

IMPORMASYON

JOSEPH ESTRADA

LINAWIN NATIN

PERO

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with