Nalaman ng BANTAY KAPWA sa mga opisyal ng Bureau o Fisheries and Aquatic Resources at ilang fish pond owners sa Pangasinan na ang dahilan ng pagkamatay ay dahil sa pollution o karumihan ng paligid. Umanoy maraming feeds na hindi naman nakakain ng mga isda. Natatambak ang mga ito at nabubulok at pinagmumulan ng nakalalasong toxic. Dahil polluted na kaya hindi tumitining at gumagalaw ang tubig.
Isa rin sa itinuturong dahilan sa pagkamatay ng mga bangus ay dahil umano sa sobrang pagsisiksikan o congestion ng mga ito. Sinabi ng mga opisyal na ang mga fish cages sa Bolinao ay punumpuno na ng mga bangus at nahihirapan silang huminga dahil kinukulang ng supply ng oxygen.
Sa pangyayaring ito nararapat alamin ang tinatawag na biological oxygen demand ng isda.
Inamin naman ni Mayor Jesus Celeste ng Bolinao, na maraming naitayong illegal fish pens doon. Kumilos na ang pamahalaang lokal at binuwag na ang mga fish pens. Sinabi rin ni Mayor Celeste na ibayong kampanya laban sa pollution ang kanyang ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalason sa mga isda. Ayon sa mayor, malaki ang nalugi sa mga fish pen owners pero ang higit na apektado ng fish kill ay ang maliliit na negosyante na nangutang ng kapital sa banko.