^

PSN Opinyon

Ang Pag-IBIG at ang Dept. of Housing

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
(Una sa dalawang bahagi)
ANG panukalang pagkakaroon ng Department of Hou-sing and Urban Development ang naging usapin noong nakaraang linggo. Ang napakalaking pangangailangan sa pabahay taun-taon ang dahilan kung bakit nananatiling pangunahing programa ang pabahay. Ang pagtatag ng Department of Housing ang isang paraan upang mapabilis ang serbisyo at implementasyon ng mga programa at ang pagkakatugma ng mga policy sa pabahay.

May limang ahensiya sa pabahay. Ang mga ito ay ang Pag-IBIG, National Housing Authority, National Home Mortage and Finance Corporation, Housing and Land Use Regulatory Board at Home Insurance Guaranty Corporation. Napakaraming bersiyon ang mga panukalang batas sa Kamara at Senado na naglalayong magtatag ng Department of Housing ngunit ang mga ito ay nasa level pa lang sa Komite at hinihimay-himay pa lamang ang mga probisyon nito.

Noong nakaraang linggo may mga pangambang mabubuwag daw ang Pag-IBIG at ang pondo raw ay kukunin para sa Department of Housing. Ang mga ito ay walang basehan. Unang-una ang pondo ng Pag-IBIG ay para sa mga miyembro nito. Ang mga kontribusyon ng mga kasapi at ng mga employer ay para sa kapakanan ng mga miyembro. Hindi ito pag-aari ng pamahalaan kung kaya hindi ito maaaring gamitin para sa operasyon ng itatayong Department of Housing. Ang pamahalaan ay kaisa ng mga miyembro sa pagprotekta at pagbantay sa pondo ng Pag-IBIG. (Itutuloy)

vuukle comment

HOME INSURANCE GUARANTY CORPORATION

HOUSING

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

NATIONAL HOME MORTAGE AND FINANCE CORPORATION

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PAG

URBAN DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with