^

PSN Opinyon

Secretary Sto. Tomas hinahatak ka ng '3 angels' pababa

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Maaaring full support itong si Labor Secretary Patricia Sto. Tomas sa media na kumukober sa kanya subalit mukhang kabaligtaran naman ang ginagawa ng ‘‘tatlong angels’’ sa Information Department niya. At kung hindi kikilos si Sto. Tomas, maaring ang pagkainis at pagkayamot ng mga reporters na naka-assign sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa ‘‘tatlong angels’’ ay babagsak sa kanya. Pag nagkataon, magugulat na lamang si Sto. Tomas kung bakit binabanatan siya ng mga reporters eh wala naman siyang kasalanan, di ba mga suki?

Alam naman ng nga kasamahan ko sa hanapbuhay na ‘‘above board’’ itong si Sec. Sto. Tomas sa kanyang adhikain na makatulong sa ating bansa lalo na sa mga Japayuki at mga overseas Filipino workers (OFW) na hinirang na mga bagong bayani ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Subalit paano naman maisulong ni Sto. Tomas ang information campaign ng mga magagandang trabaho niya kung may humahatak pababa sa kanya at ’yon nga ang ‘‘tatlong angels’’ na sa tingin ng mga reporters ay ginagamit sila.

Nakarating kasi sa kaalaman ng mga reporters na itong ‘‘tatlong angels’’ ang kumakangkong sa mga supply na dapat ay ibaba sa kanilang opisina. Di ba bahagi ito ng full support na ipinangako ni Sto. Tomas? Pero sa totoo lang, ang supply tulad ng bond paper at fax paper ay kapiranggot lang at minsan ay wala pang dumarating sa mga reporters dahil may personal interest din pala itong ‘‘tatlong angels,’’ ayon sa espiya ko.

Rebisahin mo Secretary Sto. Tomas at mapatutunayan mo na doble-doble ang nire-request na supply ng ‘‘tatlong angels.’’ Kung saan nila dinadala ito sigurado akong hindi sa press office. May nakapagsumbong din sa mga reporters na hindi lang office supplies ang pinakikialaman ng ‘‘tatlong angels’’ kundi pati ang mga regalo na galing sa iba’t ibang sangay ng labor industry, lalo na tuwing Christmas season. May sariling mahabang listahan pala itong ‘‘tatlong angels’’ na siyang ginagawa nilang basehan kung sinu-sinong reporters ang bibigyan ng regalo. Pero sa katotohanan, pili lang ang binibigyan nila at kadalasan hindi pa kasama ang taga-tabloids. Ano ba ’yan?

Pero nilinaw ng espiya ko na hindi humahabol sa regalo ang mga reporters. Gusto lang nilang itama ang isang mali. Paano magiging maganda ang mga sinusulat ng mga reporters sa DOLE kay Sto. Tomas kung wala silang supply? Aber nga? Hindi naman gusto ng mga reporters na tratuhin silang primadona. Kaya lang kung minsan kahit anong ganda ng istorya nila kay Sto. Tomas inaabot sila ng mahabang oras sa pagsulat dahil sa kakulangan ng supply na tinatago lang pala ng ‘‘tatlong angels’’ na kapakanan nila ang inuuna.

Wala namang reklamo ang mga reporters kay Secretary Sto. Tomas. Pero sa tingin ko dapat alamin niya ang puno’t dulo ng problemang ito bago maging huli ang lahat. Hala kilos na Secretary Sto. Tomas.

ANGELS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

INFORMATION DEPARTMENT

PERO

REPORTERS

SECRETARY STO

STO

TATLONG

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with